I-FLEX
ni Jun Nardo
PASABOG na, pasiklab ang selebrasyon ng Chinese New Year ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) na pinangunahan ni President Dr. Cecilio K. Pedro sa Golden Bay Seafood Restaurant sa Pasay City.
Bukod sa Lunar Year celebration, namahagi rin ng awards sa pitong luminaries sa kontribusyon nila sa Philippine culture, diplomacy, at civic engagements.
Ang awardees ay sina former First Lady Imelda Marcos, National Artist Ricky Lee, GMA 7 journalist Jessica Soho. Michelle Dee, Jose Mari Chan, Kenneth Cobonpue (designer).
Ang selebrasyon ay simula ng 50th anniversary celebration ng Philippines-China diplomatic relations sa June 5, 2025.
Present sa event ang guest speaker na si Sen. Imee Marcos at nasa event din ang ibang senador at politicians sa bansa.
Mabuhay and congratulations, FFCCCII especially to Dr. Pedro!