Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Hand in Butt Kamay sa Puwet hipo Manyak

Nanghipo ng staff ng convenience store
ITALYANO TIMBOG SA BATANGAS

ARESTADO ang isang Italian national matapos ireklamo ng panghihipo sa puwitan ng empleyado ng isang convenience store sa Brgy. Santiago, bayan ng Sto. Tomas, lalawigan ng Batangas, madaling araw nitong Linggo, 26 Enero.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas Claudio, 58 anyos, mula sa Milan, Italy.

Sa imbestigasyon, dumating si Claudio sa tindahan at nagtanong sa biktimang kinilalang si alyas Elena na noon ay nag-aayos ng kanilang mga paninda.

Bigla umanong hinipuan ng suspek si alyas Elena sa kaniyang puwitan at sinabihang malaki ang kaniyang dibdib.

Nagtungo ang biktima sa backroom ng kanilang tindahan upang tingnan ang kuha ng CCTV kung saan niya nadiskubreng nagbulsa ng facial wash ang suspek.

Agad isinumbong ni alyas Elena ang insidente sa security guard na naka-duty na si alyas Ronel na siyang kumapkap sa suspek.

Inilabas ni alyas Claudio ang ibinulsang facial wash saka binayaran sa kahera.

Inilabas ni alyas Ronel ang suspek na nagsabing gagamit ng palikuran sa kalapit na gasolinahan ngunit bumalik siya at dinuraan sa mukha ang guwardiya.

Tumakas ang suspek ngunit agad nakahingi ng tulong ang guwardiya sa mga pulis na siyang tumugis at dumakip sa dayuhan.

Kakaharapin ng suspek ang mga kasong Acts of Lasciviousness at Unjust Vexation.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …