Saturday , April 12 2025
Firing Line Robert Roque

Gawaing Binay

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

MARAMING taon ang nakalipas nang makahuntahan ko sa Embassy Night ng ThePhilBizNews ang malumanay magsalitang abogado na ipinakilala sa akin ng isang kaibigan.

Taga-Mindanao, elegante ang kilos ni Atty. Danilo Balucos, kabaligtaran ng dating prosecutor-turned-mayor at presidente na si Rodrigo Duterte, na hindi mo akalaing abogado mula sa Davao.

Lumabas ang mabubuti niyang katangian habang lumalalim ang gabi. Naglilingkod si Atty. Danny para sa akademya, sa mga mamamahayag sa probinsiya, sa mga kawanggawa ng simbahang Katoliko, hanggang sa makasaysayang apela laban sa batas na maaaring maging banta sa mga Filipino, at iba pa.

Sa isang punto, nabunyag na noong 2016 presidential elections, kinailangan ang kanyang serbisyo ng campaign team ni dating Vice President Jojo Binay.

Bagamat walang pormal na kontrata, ang hands-on engagement ni Atty. Danny sa Team Binay ay batay sa prinsipyo ng quantum meruit.

Ito ay karaniwang ginagawa at nakabase sa kontekstong legal na: ang tao ay dapat bayaran sa halaga ng serbisyong naibigay niya, kahit walang pormal na kontrata, basta ang serbisyo ay hiniling o tinanggap ng isang panig — sa kasong ito, ang grupo ni VP Binay.

Pero nalaman ko nitong weekend, dalawang taon mula nang magkausap kami, na ang butihing abogado sa ating kuwento ay hindi pala nabayaran.

Para sa isang mula sa pamilya ng abogado, lingkod-bayan, at huwaran ng mabuting pamumuno, ang mga Binay ang dapat na unang makaintindi sa bigat ng kanilang obligasyong moral at legal kay Atty. Danny.

Bagamat ang bagay na ito ay tungkol sa pera, sigurado akong hindi iyon ang ipinagdadamdam ng aking kaibigan. Maraming iba pang malapit kay Binay noon ang nakaaalam ng nagawa niya para sa campaign team, kabilang ang mga abogadong sina Jeff Zarate at Wendel Avisado; Fred Pontillo, at Pikot Buenafe.

               Ilang beses nagtangka si Atty. Danny na maresolba ang problema, kabilang ang direktang ugnayan kay Jojo Binay, sa Office of the Vice President (OVP), at sa mga opisina ng mga anak niyang sina Senator Nancy Binay at Makati Mayor Abby Binay, at sa isang kaibigan ko sa Lions Club. Pero walang nangyari.

Maging ang sana ay personal nilang pagkikita sa public rally ng 1Sambayan ay bigo rin dahil wala si Binay. Para sa Firing Line, dapat na maunawaan ng dating VP, sa sarili niyang pag-iisip, na hindi ito para pabayaan na lang niyang walang matanggap ang minsan ay naging tapat na tagasuporta.

Sa katunayan, hindi naman matatawaran ang benepisyong nakamit ni Binay sa serbisyo ni Atty. Danny. Ang bottom line ay integridad at pananagutan — mga prinsipyong isinusulong ng mga Binay sa kanilang politika. Sana nga, ang pagbabayad sa serbisyo ng abogadong ito ay hindi lang tamang gawin — isa itong gawaing Binay.

                                                                           *         *         *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-post sa @Side_View sa X app.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kabastusan ng Russian vlogger, winakasan na ni PMG Torre III

AKSYON AGADni Almar Danguilan HALOS araw-araw naiuulat na may mga kababayan tayong overseas Filipino worker …

YANIG ni Bong Ramos

Ipinapakitang supporta sa mga Duterte walang silbi

YANIGni Bong Ramos WALANG SILBI at balewala ang ipinapakitang suporta sa mga Duterte sa Davao …

Aksyon Agad Almar Danguilan

QCPD kinilalang No. 1 sa kagalingan vs kriminalidad sa NCR 

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAPAKAGANDA ng pasok ng Abril sa Quezon City Police District (QCPD). …

Dragon Lady Amor Virata

Ang political dynasty, bow
Magpinsan sa Las Piñas, hipag at bayaw sa Parañaque

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGULO, sabi ng mga Parañaqueños, hindi ang eleksiyon, kundi …

Firing Line Robert Roque

Indecent proposal

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. “…ANG mga solo parent na babae na nireregla pa, …