Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gun poinnt

‘High sa droga’ nagpaulan ng bala; 3 todas, 1 sugatan

PATAY ang tatlo katao habang sugatan ang isa pa matapos pagbabarilin ng isang lalaking pinaniniwalaang bangag sa ilegal na droga sa Brgy. Maribago, lungsod ng Lapu-Lapu, lalawigan ng Cebu, nitong Biyernes, 17 Enero.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Eduardo Taghoy, Jr., 40 anyos, hinihinalang ‘high’ sa ilegal na droga, nang pagbabarilin ang mga nagdaraan sa kalsada.

Nang kapanayamin sa estasyon ng pulis, sinabi ng suspek na mayroong demonyong bumulong sa kaniya para magpaputok ng baril.

Ayon kay P/Lt. Col. Christian Torres, tagapagasalita ng Lapu-Lapu CPO, agad binawian ng buhay ang isang retratista, isang kolektor ng utang, at isang kinilalang Ngangang Aying.

Samantala, dinala sa pagamutan ang isang 30-anyos construction worker dahil sa tama ng bala ng baril sa kaniyang katawan.

Matapos magpaulan ng bala, umuwi ang suspek sa kaniyang bahay kung saan siya nadakip sa ikinasang operasyon ng pulisya.

Nakompiska mula sa suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu, at isang kalibre .45 baril.

Nabatid na nauna nang naaresto ang suspek dahil sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga at kalalaya pa lamang mula sa piitan, nitong nakalipas na apat na buwan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …