Thursday , January 16 2025

Sa Eastern Samar
Pari patay sa banggaan ng motorsiklo, SUV

BINAWIAN ng buhay ang isang pari sa insidente ng banggaan ng isang motorsiklo at sports utility vehicle (SUV) sa Brgy. Naubay, bayan ng Llorente, lalawigan ng Eastern Samar, nitong Miyerkoles, 15 Enero.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Fr. Alejandro Galo, 66 anyos, tagapangasiwa ng mga ari-arian ng simbahan sa Diyosesis ng Borongan.

Lumabas sa paunang imbestigasyon na sakay ang biktima ng kaniyang motorsiklo nang makabanggaan ang kasalubong na sasakyan sa pakurbang bahagi ng kalsada.

Namatay ang biktima sanhi ng matitinding pinsalang inabot ng kaniyang katawan mula sa insidente habang nasa kustodiya ng Borongan MPS ang driver ng SUV para sa kaukulang disposisyon at dokumentasyon.

Samantala, humihiling ng panalangin ang Diyosesis ng Borongan para sa pagkilala sa buhay ni Fr. Galo.

About hataw tabloid

Check Also

Sa Tawi-Tawi 121 pasahero nasagip ng Navy mula sa stranded na barko

Sa Tawi-Tawi
121 pasahero nasagip ng Navy mula sa stranded na barko

NASAGIP ng Philippine Navy ang 121 pasahero ng isang istranded na barkong naiulat na nawawala …

Daniel Fernando Bulacan Marcelo H Del Pilar National High School

Kaligtasan ng mga pasilidad sa mga paaralan tiniyak ni Fernando

“MAKAAASA po kayong patuloy ninyong magiging katuwang ang inyong lingkod sa pagbibigay ng ligtas at …

QCPD Quezon City

QCPD sinamahan sa pinagtapunan ng  bangkay
Suspek sa kidnap-slay sa QC trader, umamin sa pagpaslang sa 2022 missing person

ISA pang kaso ng pagpaslang ang nalutas ng Quezon City Police District (QCPD) sa pagkakalutas …

Apo sa pamangkin minolestiya lalaki kinulata bago arestohin

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang 43-anyos na lalaki dahil sa alegasyong panggagahasa sa 4-anyos …

389-metrong drainage system sa Panasahan, Malolos City inaasahang tugon vs baha

389-metrong drainage system sa Panasahan, Malolos City inaasahang tugon vs baha

BILANG pagtupad sa kanilang pangakong pagpapabuti ng mga impraestruktura at disaster resilience, pinasinayaan ng Pamahalaang …