NATAGPUANG wala nang buhay ang isang 22-anyos lalaki at kaniyang 4-anyos anak na babae sa Bgy. Pio Del Pilar, lungsod ng Makati, nitong Lunes, 13 Enero.
Ayon kay Makati CPS chief P/Col. Jean Dela Torre, nagpatulong ang mga magulang ng lalaki sa may-ari ng inuupahan niyang condo upang buksan ito.
Nang mabuksan ang unit, tumambad sa kanila ang mga labi ng mag-ama.
Hinihinalang pinatay ng lalaki ang kaniyang anak saka nagpatiwakal.
Ani P/Col. Dela Torre, tinitingnan ng pulisya na depresyon at selos ang dahilan ng insidente dahil hindi nagkaayos ang suspek at ang ina ng bata.