Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata
MGA kandidato sa 2025 elections na may mga banta sa buhay at aprobado ng Comelec ang pahihintulutan na magkaroon ng private security na miyembro ng PNP ngunit may mga patakaran ukol dito kasama ang poll body at hanggang dalawang police escort lamang ang puwedeng ibigay sa isang kandidato.
Ayon kay Marbil, “strictly not allowed” ang ganitong gawain para sa mga pulis at may kaparusahang aabot sa pagkakasibak sa tungkulin ang mahuhuling pulis na gagawa nito nang hindi opisyal ang pagkakatalaga.
Binalaan ni Marbil ang mga pulis na lalabag sa kautusan na sila’y matatanggal sa serbisyo at ang mga kasamahan nilang magtatangkang protektahan ay makakasuhan din.
Tiniyak ng PNP na hindi nila kokonsintihin ang mga paglabag na makaaapekto sa pagiging neutral at patas ng kanilang organisasyon sa darating na halalan.
Ang direktibang ito ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ay upang manatili ang pagiging patas ng PNP sa darating na halalan.