Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vic Sotto Darryl Yap

Vic Sotto idedemanda si Darryl Yap

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KAKASUHAN daw ni Vic Sotto ang kontrobersiyal na direktor, si Darryl Yap. Kaugnay ito ng inilabas na teaser ng kontrobersiyal na direktor sa latest movie niyang may titulong The Rapists of Pepsi Paloma.

Ayon sa ulat ng TV5, maghahain ng reklamo ang TV host-actor laban kay direk Darryl matapos mabanggit sa teaser ang pangalan TV at movie icon sa biopic ng yumaong aktres na si Pepsi.

Ihahain daw ang reklamo sa Muntinlupa City Regional Trial Court ngayong araw, January 9, ayon sa legal counsel ni Vic. Walang nabanggit sa report kung anong eksaktong mga kaso ang isasampa ni Bossing Vic laban sa direktor.

Sa kabilang banda, tila hindi nababahala si direk Darryl sa balitang magdedemanda si Vic. 

Ipinost kasi ng direktor sa kanyang Facebook page ang report ng TV5 tungkol sa paghahain daw ng kaso laban sa kanya.

Ibinahagi rin niya ang umano’y media advisory tungkol sa paghahain ng reklamo ni Bossing hinggil sa kontrobersiya.

Walang caption na inilagay si direk Darryl sa kanyang post.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …