Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Piolo Pascual Toni Gonzaga Toni Talks

Piolo Pascual 13 years nang single, ‘di naghahanap ng dyowa

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

LABINGTATLONG TAON na palang walang dyowa si Piolo Pascual.

Ito ang pagbubuking ng Papa P sa sarili sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga sa YouTube online show nitong Toni Talks. Pero iginiit ni Piolo na hindi siya naghahanap ngayon ng karelasyon.

“Ang tagal na, eh. Hindi ko na alam ‘yung lovelife,” natatawang tsika ni Piolo kay Toni.

At dahil sa tagal na walang dyowa, may mga nagsasabi na mahihirapan na siyang makahanap. 

“Sinabi sa akin ni Pastor Julius ‘yun, ‘the more you stay single, the more you’re gonna enjoy it, the more you’re not gonna look for it,” pagbabahagi ni Papa P.

Halos hindi naman makapaniwala si Toni sa narinig at sinabi ni Piolo.

“Lovelife ko talaga ‘yung trabaho ko, eh.”

Kaya naman ang sunod na tanong ni Toni, “So, ayaw mo na ng full-on commitment?” 

Na sinagot ni Piolo ng, “Not for now.”

At natawa rito si Toni at sinabing, “PJ, not fo now? Twenty one  years old ka ba?” 

Na kaagad namang tumugon ang aktor ng, “Busy pa ako sa career ko, eh.” 

“Totoo kasi, eh. You know, I love being single. I don’t see the point of being with someone, especially now because I’m so busy with work,” nangingiting depensa pa ni Piolo.

“I’m always with friends, I’m always with my family. And it’s not something that you know, I look for because…eh, nasanay na, eh,” paliwanag pa ni Piolo.

At dito na naitanong ni Toni ang mga katangiang hinahanap ni Piolo sa isang babae.

“Christian muna. Family-oriented, siyempre, dapat ‘yung mabait. Hindi full of herself. Hindi ‘yung ‘me, myself, and I.’”

O hayan, baka ikaw na ang hinahanap ni Piolo. Simple lang naman pala ang gusto niya sa babae. Sana ay mahanap na ni Papa P ang babaeng ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …