MATABIL
ni John Fontanilla
PASASALAMAT ang gustong ipahatid ng tinaguriang Lord of scents na si CEO/ President ng Aficionado Germany Perfume na si Joel Cruz dahil 25 years nang namamayagpag sa merkado ang kanyang negosyo.
Kaya naman bilang pasasalamat ay siya nàman ang mamamahagi ng blessings sa mga regular buyer ng kanyang mga produkto ngayong 2025.
Ilan sa pamimigay nito sa kanyang Bangong Milyones Raffle Promo ang mga kotse, i-phone, electric bike, electric vehicle, cash prizes atbp..
Bukod sa tagumpay ng kanyang negosyo ay masaya rin ang kanyang personal life sa piling ng kanyang pamilya at mga lumalaking anak na ang isa sa mga ito ay nakikitaan na ni Mr Joel ng interes sa pagnenegosyo kaya naman isinasama-sama na nito sa mga meeting.