Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ma. Thea Judinelle Casuncad

Miss Laguna wagi bilang Miss Supermodel Worldwide 2024

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAKU Mareng Maricris Valdez, proud kami dahil tulad namin ay taga-Laguna ang kinoronahan bilang Miss Supermodel Worldwide 2024.

Ito ay si Ma. Thea Judinelle Casuncad na 36 na bansa ang kinabog at siyang nag-uwi ng korona.

Ginanap ang coronation night sa New Delhi sa India kamakailan.

Pareho kami ng kolehiyo, kasalukuyang isang Tourism major si Thea sa University of Perpetual Help – Dr. Jose G. Tamayo Medical University na nagtapos din kami many years ago ng kursong BS Psychology.

Samantala ang Velvet Media, Inc. ang siyang nagmamay-ari ng Philippine franchise ng Miss Supermodel Worldwide na gaganapin naman ang coronation night sa January 24, 2025 (Friday), 6:00 p.m. sa Newport Performing Arts Theater, Newport World Resorts, Pasay City.

Ang  ilan sa mga kandidata ay sina Kimberly Flores ng Caloocan; Dyna Ruth Alguin ng Cavite; Lhorie Lyn Tiongco ng Laguna; Nina Lauroanna Flores ng Las Piñas; Mher Karizze Narciso ng Makati; Pia Carillo ng Mandaluyong; Doreen Ahija ng Pasay; Maria Christine Ordeviza ng Rizal Province: Alliza Patricia Juare ng Jose del Monte Bulacan; Abegyl Balbuena ng Sultan Kudarat, at Maria Sophia Magsipoc ng Taguig.

Ang mga opisyal naman ng Velvet Media, Inc. ay sina JJ Maghirang III/President & CEO; Jhovs Medico/Managing Partner; Mae Maghirang/Director; Ronn Litao, Michelle Perez, at Bianca Lapus/Director.          

Ang Miss Supermodel Worldwide Philippines

Core Team naman ay binubuo nina Mae Maghirang/National Pageant Director; 

JJ Maghirang III/Creative Director;

Reygie Rodriguez/Delegate Welfare & Training Director and Lead Hair & Make-up Artist

Schanel Ivy Rain/Event Director;

Bianca Lapus/PR Director; Sam Sapo

at Alex Moico/Media Relations Head;

John Henry Cabezas/Photography and Videography Lead; Michelle Perez/Operations Director; Mae Maghirang/Finance Director, at Ronn Litao/ Sales & Marketing Director.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …