Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Cruz Atong Ang

Sunshine lalong bumata at sumeksi, maligaya kay Atong Ang

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

FRESHNESS overload. Iba talaga kapag in love. Ito ang nakita namin kay Sunshine Cruz na nadatnan namin sa lamay ng isa sa aming kolumnista rito sa Hataw, si Kuya Ed de Leon na habang isinusulat namin ay nai-cremate na.

Sinasabing si Sunshine ang karelasyon ngayon ng negosyanteng si Atong Ang na kinomporma naman nito kamakailan. Pero si Sunshine nang usisain namin, tanging ngiti ang isinagot.

Isa sa close kay Kuya Ed si Sunshine. Actually, ang assistant ni Sunshine ang nakapagdala kay Kuya Ed sa ospital dahil noong mga oras na iyon ay nagpadala siya ng regalo sa bahay. At doo’y narinig nilang humihingi ng tulong si Kuya Ed kaya naman naitakbo nila sa ospital. Subalit talagang hanggang doon na lamang si Kuya Ed at pumanaw na ito noong Miyerkoles ng hapon, December 18, 2024.

Iisa ang sinasabi ng mga nakakita kay Sunshine noong hapong iyon, mas lalong gumanda, bumata,  at sumeksi si Sunshine. At sa edad 47 hindi mo aakalain na ganito na pala ang edad niya. para kasing nasa 30’s pa sa totoo lang. At ang kaseksihan, parang walang tatlong anak na dalaga na ngayon.  

Tipid sa komento si Sunshine lalo kapag ang pinag-uusapan ay ang tungkol kay Atong Ang. Bagamat may ilang beses nang nag-viral ang video na naghahalikan sila sa public place. Siguro’y action speaks louder na lang or what you see is what you get. No need na magsalita pa siya.

Kaya hayaan na natin si Sunshine tutal single naman siya at happy. ‘Yun ang mahalaga. At suportado ni Cesar ang relasyon ng dalawa.  

“Saludo ako kay Atong for being man enough to admit his relationship with Shine,” sabi ni Cesar. 

“I sincerely wish that they will live happily ever after. They both deserve to be happy,” sabi pa ni Cesar mayroon ding non-showbiz partner, si Kat Angeles.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …