Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Atty Joji Alonso Lorna Tolentino Judy Anne Santos Chanda Romero Espantaho

Juday, Chanda, Lorna nagpatalbugan, ilang eksena sa Espantaho makapanindig balahibo

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IBANG klase talaga itong si direk Chito Rono. Forte talaga niya ang horror kaya humanda sa oras na mapanood ang Espantaho na handog ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso, Purple Bunny ni Judy Ann, at Cineko Productions ni Enrico Roque.

Ang Espantaho para sa amin ay isang mystery, family drama na muling magpapakita ng husay sa drama sina Juday, Chanda Romeo, at Lorna Tolentino. Walang itatapon sa tatlo, pero hindi naman nagsapawan sa kani-kanilang husay. Kanya-kanya sila ng eksena at bardagulan. Mapapapalakpak ka talaga.

Pero hayaan n’yo munang gulatin kayo ng pelikulang ito sa simula at be sure na may kasama kayo sa panonood sa December 25 para hindi kayo matakot.

Muling pinatunayan ng award-winning director na si Roño ang kanyang galing pagdating sa paggawa ng horror movie na tinangkilik natin tulad ng blockbuster film na Feng Shui ni Kris Aquino.

Maraming gulat factor ang pelikula at ihanda lang ang sarili sa mga eksenang hindi katanggap-tanggap ng maseselan. Ayaw namin ibahagi ang eksenang iyon basta beware ‘yun lang ang masasabi namin. Ihanda ang sarili sa iba’t ibang klase ng pagkamatay ng mga pangunahing karakter sa pelikula dahil baka hindi ninyo kayanin.

Isa sa talaga namang nakapandiri sa amin ay ang eksena ni Janice at ang kay Chanda. Ibang klase huh! 

Kung mahilig kayo sa horror, mystery, tamang-tama sa inyo ang Espantaho na maganda rin ang istorya.

Ang Espantaho ang pagbabalik-MMFF ni Judy Ann matapos ang pagkapanalo niya ng Best Actress sa pelikulang Mindanao noong 2019. At siyempre, mas mahusay dito si Juday. Sa totoo lang na-miss namin ang isang Judy Ann sa mga palabas na drama na talaga namang forte ng tinaguriang batang Superstar. 

Nakatutuwa rin ang role nina Mon, Janice, at JC. Hulaan ninyo kung sino sa tatlo ang kontrabida o ‘yung bad. Nakagugulat din ha. 

Ang gumanap na anak nina Juday at JC na si Kian Co ay mahusay din at malaki ang kanynag papel sa pelikula.

Napapalakpak naman kami sa tunggalian nina Juday, Chanda, at Lorna. Bardagulan ang tatlo sa pag-arte, wala kang itatapon. Ang huhusay. Isa iyon sa paborito naming eksena.

Isama ninyo sa mga panonoorin ngayong MMFF ang Espantaho dahil hindi masasayang ang inyong ibabayad. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …