Wednesday , March 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Shabu

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, Quezon City, nitong Martes ng madaling araw, 17 Disyembre.

Ayon kay P/Lt. Col. Rolando Baula, Station Commander ng QCPD Station 13, nakipagtransaksiyon ang poseur buyer sa suspek para sa P1,500 halaga ng ilegal na droga.

Naging hudyat ang palitan ng pera at ilegal na droga upang dakpin ng mga awtoridad ang suspek.

Ayon sa pulisya, mga residente sa lugar ang nagsumbong sa nangyayaring bentahan ng ilegal na droga.

Ani P/Lt. Col. Baula, naka-concentrate ang suspek sa Brgy. Payatas dahil pawang tagaroon lamang ang kaniyang mga kliyente.

Nakompiska mula sa suspek ang 110 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P748,000.

Samantala, pinasinungalingan ng suspek na nagbebenta siya ng ilegal na droga at sinabing ang tumakas na asawa niya ang pusher.

Kasalukuyan nang nakakulong ang suspek sa QCPD Station 3 at mahaharap sa reklamong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Israel Iran War

Sa Tel Aviv, Israel
OFW PATAY SA AIRSTRIKE

KINOMPIRMA ng Philippine Embassy sa Israel ang pagpanaw ng isang babaeng overseas Filipino worker (OFW) …

POLPHIL Ric Serrano Danilo Lim Elmer Argano

Provincial rate ibasura
Pantay na sahod para sa pantay na trabaho isabansa – POLPHIL

IPINAHAYAG ng People’s Progressive Humanist Liberal Party (POLPHIL) ang buo at walang pasubaling suporta sa …

yosi Shabu

2 durugistang bebot, 5 pang adik tiklo sa pot session

WINASAK ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug den na …

Bocaue Bulacan Police PNP

Sa P3.2-M robbery sa Bocaue
Miyembro ng ‘Rizal group’ timbog

NAARESTO ng pinagsanib na puwersa ng Bocaue MPS at Bulacan PPO Provincial Intelligence Unit, nitong …

NHMFC BYC

NHMFC advances blockchain initiative to bolster transparency and housing finance securitization

The state-run National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) is taking a significant step toward strengthening …