Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Anthony Jennings Maris Racal Jam Villanueva

Maris ipinagtanggol, glam team naloko rin daw

MA at PA
ni Rommel Placente

NALOKO rin umano ang glam team ni Maris Racal ni Anthony Jennings.

Ang sinabi raw kasi sa kanila ng aktor, single siya, at recently lang nila nalaman na wala pala iyong katotohanan nang ibunyag ni Maris na napaniwala siya ni Anthony na hiwalay na ito kay Jam Villanueva, kaya nakipagrelasyon siya sa binata.

Ang pagbubunyag na ‘yan ay ibinandera ng celebrity stylist ng aktres na si Adrianne Concepcion.

Single, ‘yan ang pagkakaalam naming lahat,” bungad ni Adrianne sa Instagram Story.

Aniya pa, “Ang mga detalye ng panloloko at pangangaliwa, nalaman lang namin kasabay ng publiko.

“We had no knowledge, no consent, or have condoned to any wrongdoing. And that is our truth.”

Kasunod niyan ay sinabi rin niya na naninindigan siya sa lahat ng kababaihan na dumaan sa anumang uri ng gastlighting, panloloko, at pagtataksil.

That is something I have never enabled, and will never approve of,” giit niya.

Mensahe pa niya para kay Maris, “Mahigpit na yakap. Alam namin ang katotohanan, and we will rally behind you.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …