Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Topakk Julia Montes Arjo Atayde

Julia buwis-buhay sa Topakk, galing na galing kay Arjo

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

DELIKADO at buwis buhay ang mga aksiyong ginawa ni Julia Montes sa pelikulang Topakk ng Nathan Studios.

Subalit hindi nag-atubiling magdalawang-isip si Julia na gawin ang mga stunt at action scene kahit napako at nagkasugat-sugat na siya.

Very proud pa nga at masaya si Julia sa kakaibang role na ibinigay sa kanya sa 50th Metro Manila Film Festival entry ng Nathan Studios. 

Ani Julia si Coco Martin sa nag-engganyo sa kanya na tanggapin ang pelikula.

Sinabi raw sa kanya ni Coco na ‘wag palampasin ang proyekto dahil maganda ang materyal bukod pa sa sobra ang bilib nito kay Arjo Atayde bilang aktor.

Proud siya. Kasi siya rin naman ‘yung unang nagturo sa akin kung paano ang tamang galaw, kung paano ‘yung safety.‘Yung safety tips na itinuro niya, nagamit naman,” sabi pa ni Julia.

Naikuwento rin ni Julia na malaki ang tiwala niya sa kanilang direktor na si Richard Somes kaya ipinagkatiwala niya lahat dito ang ng mga intense at delikadong eksena niya sa Topakk.

More than fears, mas excited ako kasi maganda ‘yung kwento, ‘yung film, ‘yung purpose and advocacy ng film. ‘Yung na-experience naman na nasaktan, hindi na namin na-feel ‘yun kasi nasa moment na kami ng eksena,” ani Julia.

Sa action, napansin namin, hindi ka pwedeng naka-steady lang or lutang ka. Magkamali ka lang ng move, mamali mo rin ‘yung co-actor mo. So, importante ‘yung rhythm,” dagdag pa ni Julia.

Galing na galing din si Julia kay Arjo. “Ang sarap katrabaho ni Arjo, kasi titingin ka lang, sasabay ka na eh. Doon ko sinasabi na masarap gawin ‘yung eksena kung ganito kagaling ‘yung katrabaho mo.”

Ukol naman sa eksenang napako siya sa tuhod, pagbabahagi ni Julia, “Kasi ‘yung eksena na ‘yun, nagko-confrontation na ‘yung mga character. ‘Yun ‘yung first meet up namin ni Arjo, so medyo intense na ‘yung mga bagay-bagay.

“Eh nahiya naman akong i-cut (eksena) para sabihin na teka lang napako ako, so ang ginawa ko dahil intense ‘yung eksena, wala sa akin ‘yung camera roon ko hinugot ‘yung pako,” kuwento ng aktres.

Mapapanood ang Topakk sa December 25 sa lahat ng sinehan nationwide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …