Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sylvia Sanchez Arjo Atayde Julia Montes Topakk

Sylvia binigyang importansya mga artista sa Topakk inilagay lahat sa  poster 

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI raw halos makatayo sa kanilang kinauupuan ang mga artistang kasama sa pelikulang Topakk habang nanonood ng kanilang pelikula cast screening na hatid ni Sylvia Sanchez ng Nathan Studios sa sobrang ganda.

At dahil nga sa sobrang ganda ng pelikula at sa husay ng mga artistang kasama ‘di na rin nila nagawang umihi dahil kaabang-abang ang bawat tagpo.

Kaya naman tiyak isa ang Topakk sa talaga namang aabangang pelikula sa 50th Metro Manila Film Festival at malaki ang tsansang maging Best Picture.

Ang hardcore action/drama film na Topakk ay pinagbibidahan nina Arjo Atayde at Julia Montes kasama sina Kokoy de Santos, Michael Roy Jornales, Vin Abrenica, Paolo Paraiso, Enchong Dee at marami pang iba

Hatid ng Nathan Studios,  idinirehe ni Richard Somes at mapapanood sa Dec. 25 (Christmas Day).

Unang ipinalabas ang Topakk sa 78th Cannes Film Festival noong May 2023 at nag-premiere naman sa 76th Locarno Film Festival sa Switzerland noong August 2023.

Kuwento ni Ms Sylvia, lahat ng artistang kasama sa movie maliit man ang role ay inilagay niya sa poster ang pangalan, bilang pasasalamat na rin sa ambag ng mga ito para mas mapaganda pa ang pelikula.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …