Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Arcenas Kate Yalung April Boy Idol

John nakatikim ng indecent proposal

RATED R
ni Rommel Gonzales

AMINADO si John Arcenas na nalungkot siya sa hindi pagkapasok ng IDOL (The April Boy Regino Story) sa 50th Metro Manila Film Festival.

Oo naman po, siyempre, malaking ano ‘yan,” sambit ni John.

Nguni’t ayon pa rin sa kanya, “Sa akin po okay naman po kung saan po mapunta ‘yung pelikula.

“Kasi siyempre unang-una sa lahat ipinasa-Diyos ko na kung saan mapunta, talagang naniniwala po akong may plano.”

Launching movie ito ni John na mula sa Premiere WaterPlus Productions at Executive Producer na si Marynette Gamboa.

Palabas na ang pelikula sa mga sinehan simula ngayong Nobyembre 27.

Guwapo at borta si John, kaya tinanong namin siya kung may karanasan na siya sa mga nagaganap ngayon sa showbiz na isyu ng sexual harassment.

Actually mayroon po,” pag-amin niya, “Noong nagsisimula pa lang po ako, may mga nag-a-approach po sa akin for indecent proposal, message and personally.

“Ano po, kinausap lang po ako personally, galing po kasi ako dati sa ‘I Can See Your Voice,’ tapos noong pagkalabas ko po roo  parang after the show, may mga mag-i-interview…”

Unang engkuwentro nila ay hinarass na siya agad sa pamamagitan ng indecent proposal?

Hindi naman po indecent, parang maayos naman po ‘yung ano…

“Wala po, hiningi lang po ‘yung number ko, sa message na po.

Tapos sa message na lang ‘yung ano, parang sabi, ‘Puwede ba kitang i-meet sa condo ko?’

Ano ang isinagot ni John?

Ang una po niyo  sabi niya po, ‘Di ba gusto mong magka-manager?’”

Hindi siya pumunta sa condo?

Hindi po.

“Sabi ko po…actually parang tinest ko po siya, sabi ko, ‘Ay sige po, sama ko po ‘yung parents ko’, tapos sabi niya, ‘Ay huwag muna, sa susunod na lang na kita natin, puwede ikaw muna?’

.

“Tapos after po hindi ko na po siya nireplayan.”

Alaga si John ng talent manager na si Tyron Escalante ng Tyrone Escalante Artist Management o TEAM na nakakontrata rin sina Jane de Leon, Andrew Gan, at Kelvin Miranda.

Actually po naging inspirasyon siya sa akin, lalo na niong mapasok ako, tapos nakita ko ang mga kasama ko, Jane de Leon, Kelvin Miranda, Alexa Miro, marami pong malalaki, kaya parang naging challenge siya sa akin na kailangan hindi ako basta-basta.

“Kasi ‘yung mga artista ni Sir Ty eh talagang mahuhusay, kaya kailangan kong pagbutihin.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …