Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arjo Atayde Maine Mendoza Topakk

Arjo itotodo ang lakas sa Topakk

RATED R
ni Rommel Gonzales

KUNG abalang-abala si Arjo Atayde bilang isang mahusay na aktor at masipag na Congressman ng 1st District ng Quezon City, busy naman ang misis niyang si Maine Mendoza bilang host ng Eat Bulaga! at endorser ng sari-saring produkto.

At sa tanong kay Arjo kung hindi ba niya pinipigilan kung gusto pa rin ni Maine magpaka-abala sa showbiz,  “Opo, of course, if she wants to work, she can work, no problem naman,” pakli ni Arjo.

Walang bawal?

Opo, but of course, if she wants to stop also, she’s very welcome to stop. No problem naman.

“For me lang is what she wants to do, sinimulan naman niya iyan without me.”

Nagkakilala nga naman sila ay nasa showbiz na si Maine bilang host at aktres sa telebisyon at pelikula.

Pagpapatuloy pa ni Arjo, “So if she wants to continue, she continues, if she doesn’t want, then she can also stop.

“But definitely, she won’t stop, masaya naman siya sa ginagawa niya.”

Ngayong Disyembre ay itotodo ni Arjo ang kanyang topak, este lakas, dahil official entry sa 50th Metro Manila Film Festival ang pinagbibidahan niyang hardcore action/drama film na Topakk mula sa Nathan Studios, sa direksiyon ni Richard Somes.  

Unang ipinalabas ang Topakk sa 78th Cannes Film Festival  noong May 2023 at nag-premiere naman sa 76th Locarno Film Festival sa Switzerland nitong August 2023.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …