Saturday , December 21 2024
Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED R
ni Rommel Gonzales

SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas ay nabigyan si Malou de Guzman ng pagkakataong magbida sa isang pelikula, ang Silay.

Sinong aayaw doon,” ang tumatawang pakli ni Malou.

Siyempre tuwang-tuwa po ako, paano ba… masaya ako dahil isang karangalan po iyon, isang, ano ba, ‘pag-affirm, ‘pag-confirm, na tama naman siguro, sa tagal ko, tama naman ang ginagawa ko at may nagtitiwala sa akin para gumanap sa papel na Silay.”

Si Silay ay isang lola, na sa suporta ng apong si Leslie na ginagampanan ni Francine Diaz, ay muling nag-aral sa eskuwelahan ng high school.

Tinanong namin si Malou kung ano ang masasabi niya na isang malaking young actress na tulad ni Francine na support niya sa Silay

Malaking kagalakan po iyon sapagkat kung tutuusin… wow!

“Sa edad ko, ‘no? ‘di ba? O ngayon ha, title role,” at muling tumawa si Malou.

At talagang nagpapasalamat po ako sa pagkakataon and I’m very proud na sa moment na iyon ay kasama ko siya.”

Sa mga paaralan ipalalabas ang Silay na mula sa MACE Ascending Entertainment Productions ni Rachelle Umandap at sa direksiyon ni Greg Colasito.

Nasa cast din sina Ramon Christopher, Yul Servo, Rob Sy, Long Mejia, Krista Miller, Joni Mcnab, Jervin Mendoza, Rain Perez, Emilio Garcia, at introducing naman sina Merab Soriano, Russel Umandap, Pao Umandap, at Jopher Martin.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …