Saturday , December 21 2024
John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED R
ni Rommel Gonzales

UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na si April Boy Regino sa IDOL: The April Boy Regino Story.

Ano ang mga natutunan ni John tungkol sa pamilya ni April Boy at sa buhay nito?

Ako po bilang April Boy, natutunan ko na napaka…talagang nandoon ‘yung pagmamahal ni April Boy kay Madeline…

“Siyempre unang-una sa Diyos, kay Madeline at sa mga anak niya, kasi biruin ninyo siya ‘yung unang ano niya, naging kasintahan niya, tapos hanggang huli, hanggang dulo siya lang, first and last siya.

“So ayun din, ganoon din ‘yung pagmamahal bilang tatay sa mga anak niya, ipinakita niya na lahat ibibigay niya para sa mga anak niya.

“At siyempre noong kahit nagkaroon siya ng challenges, ipinakita pa rin niya ‘yung pagmamahal niya sa Diyos, na ipinakita na wala siya kung wala ang Diyos.

“Kaya nagkaroon siya ng challenges, medyo tumalikod siya sa Diyos, nagtampo siya sa Diyos pero sa dulo bumalik siya at nanaig ‘yung pananampalataya niya sa Diyos.”

Ipalalabas sa mga sinehan sa Nobyembre 27 ang pelikula na mula sa Premiere WaterPlus Productions at Executive Producer na si Marynette Gamboa.

Sa direksyon ng character actor na si Efren Reyes, Jr., nasa pelikula rin si Kate Yalung bilang si Madelyn Regino na misis ng yumaong singer.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …