Saturday , December 21 2024
GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED R
ni Rommel Gonzales

TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang nagpa-feel ng Paskong Pinoy sa mga Kapuso via GMA’s 2024 Christmas Station ID, ang  Ganito Ang Paskong Pinoy: Puno ng Pasasalamat.

Ipinakikita sa video na masayang nakiki-bonding sa mga Kapuso star ang mga personalidad mula GMA Integrated News at GMA Public Affairs, sa pangunguna nina Jessica Soho, Arnold Clavio, Vicky Morales, Howie Severino, at Mel Tiangco. 

Marami ngang netizens ang natuwa nang makita silang nag-eenjoy at feel na feel ang Christmas vibes sa kabila ng kanilang napakahirap at peligrosong trabaho. Tila ba ibang imahe ang nakita ng madla dahil madalas silang makitang seryosong nag-uulat ng mahahalagang balita sa telebisyon.

Kinagiliwan nga rin ng netizens ang BTS reel ng GMA Network kay Susan Enriquez na enjoy na sumasalok ng taho habang nakikipagkulitan sa mga nasa station ID shoot. Sey nga nila, mukhang change career na raw ang “napaka-cute” na si Ms Susan.

Panoorin ang happy at makukulit na moments ng mga batikang mamamahayag ng GMA sa 2024 Christmas Station ID: Ganito Ang Paskong Pinoy: Puno ng Pasasalamat.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …