Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nova Villa Noel Trinidad Tessie Tomas

Asawa ni Nova 7 taon nang nasa banig ng karamdaman 

RATED R
ni Rommel Gonzales

SA loob ng kung ilang dekada ay aktibo sa pelikula at telebisyon si Ms. Nova Villa.

Tinanong namin si Ms. Nova kung ano ang sikreto ng longevity niya sa showbiz?

Up to now, iyon din ang itinatanong ko sa sarili ko eh,” at natawa ang beteranang aktres. “Well, it’s… the only answer I could say is it’s a blessing, you know?

“And talaga ang Diyos mabait because He knows ang pangangailangan mo. Like I have my husband, I’m taking care of him, may edad na rin naman kami.”

Matagal ng nasa banig ng karamdaman ang mister niya.

Na-stroke, and then, of course, sa mga prayer na magpatuloy, kung gusto pa ni Lord, na ako maging artista pa, to help me dahil may mga pangangailangan din. So I can feel, I can feel the grace, the blessing.”

Matagal na ring may sakit ang asawa niya.

May seven years na, bedridden,” tugon ni Nova.

Hindi na nakakapagsasalita.

“No, ano lang, reaction lang, ‘pag nakikita niya ako, umiiyak, parang baby, ganoon.”

Nakabibilib si Ms. Nova na sa loob ng pitong taon ay patuloy niyang kinakaya na alagaan ang asawa.

Kaya nga magtataka ka, saan galing,” bulalas ng aktres.

Ano naman ang masasabi niya na nagbibida na siya sa pelikula, tulad nga ng pelikulang Senior Moments.

Kahit ako nga nagtataka eh, and the only words I can say is, ‘Thank you, Lord.’

“Alam ko naman, napi-feel naman natin ‘yun eh, alam naman natin ‘yun, kaya siguro, probably I have done something good,” ang nakangiting lahad ng beteranang aktres.

Sa Senior Moments na mula sa A & S Production at idinirehe ni Neil ‘Buboy’ Tan ay kasama ni Ms. Nova sina Noel Trinidad at Tessie Tomas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …