Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez.

Very proud siya na ipinakita mismo sa amin ang litrato ng four-month old baby boy niyang si Korben sa phone niya.

Nakatsikahan namin si Tom at naitanong ang ukol sa anak. At napansin din namin na mas guwapo ngayon at fresh si Tom. Sagot niya sa amin, napakasarap daw pala ng pakiramdam na maging isang ama.

Tinanong si Tom kung ano ang impact sa kanya ng fatherhood at sa kanyang personal at showbiz career?

Lahad ni Tom, “It’s everything. It’s the very reason why I came back.

“Everything I go through, iniisip ko, ‘How will I want to teach him this? Paano ko ito sa kanya…’ 

“Everything na nangyayari sa akin, parang may filter na ganoon, ‘Lord!’

“Like, hindi ‘yung ano, ‘OK, how do I get through this?’ No. ‘What can I learn from this to be able to pass it down to him?’

“So, even coming back, kasi ang sarap ng… parang kuntento na ako sa buhay ko roon sa Amerika, and yet I have contracts and obligations that I need to take care of here.

“So, may part sa akin na ayoko nang bumalik sana. 

“And yet I would like to show him that I can finish things that I’ve started, and parang set a good example.

“So that’s all I can do for now. So everything that I do, he really is in my mind.”

Never niyang idinenay kailanman na may anak na siya.

Ayaw ni Tom na dumating ang panahon na sa paglaki ng anak at nag-Google ito, mababasang itinanggi siya ng kanyang ama.

I wouldn’t want that for me as well. So I wouldn’t want him growing up na ‘yun din ang mararamdaman niya.

“I’m very proud, I’m very happy… I learned now, biggest learnings from the past few years of my life, that you really have to ano…

“I love to work, I’m very thankful for it, and I love the industry. Pero you do need now the reason. Para sa kanya rin ‘yun.

“It’s something I wanna pass down to him. I wanna teach him to have proper boundaries between your main life and your professional life.”

Paglilinaw ni Tom, divorced na sila ni Carla Abellana nang nakilala ang American girlfriend niya na ina ni Korben.

Nag-meet kami after niyong divorce namin. So everything na mayroon ako ngayon is a good start.

“Mas focused ako sa path ko ngayon, eh. Pero, learn from what happened, siyempre things are bound to repeat themselves kung hindi tayo matututo sa bagay na ‘yun.

“Pero para sa akin, life goes on and happy ako sa mga dumarating and thankful ako kay Lord talaga. 

“Makapag-uumpisa ka na talaga ulit.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …