Sunday , December 22 2024
Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng pinakabagong handog ng VMX Original Movie, Celestina: Burlesk Dancer na pinagbibidahan nila niYen Durano.  

Nagpahayag kasi noon na titigil na sa paghuhubad at paggawa ng mga maiinit na lovescene si Christine kaya naman nausisa ito sa muling pagsabak sa mga pagpapa-sexy.

Ani Christine, open pa rin siya sa mga daring at sexy roles at sa mga sex scenes, basta maganda ang materyal at may mapupulot na aral ang mga manonood.

“Tuloy lang ang laban. Yes, of course if the story is super ganda and worth it to do, why not,” giit ni Christine sa isinagawang media conference ng pelikula sa Viva Cafe.

“This was shot before I made the announcement na titigil ako. Nauna itong i-shoot. Mayroon pa rin ako rito (sexy scene),  ang naka-partner ko Japanese actor, they flew from Japan,” paliwanag ni Christine ukol sa ginawang mga intimate scene para sa 1940s period movie na isinulat ng National Artist for Film and Broadcast na si Ricky Lee at idinirehe ni McArthur Alejandre   

“Different Christine itong nagawa kong VMX movies,” pagbabahagi pa ni Christine. “‘Yung character ko dito ay totally different sa personality ko rin.

“I needed to portray like sa sinaunang panahon bago sinakop ng mga Japanese ang Pilipinas. Sobrang nahirapan ako sa mga scene,” pag-amin pa ng dalaga at sinabing itong Celestina: Burlesk Dancer ang isa sa itinuturing niyang most challenging character na ginampanan niya sa ilang taong pagiging Vivamax star.

Bale ang Celestina: Burlesk Dancer ang ikalawang VMX original movie na mapapanood sa big screen matapos ang matagumpay na pagpapalabas ng Unang Tikim sa mga sinehan na pinagbibidahan naman nina Angeli Khang at Robb Guinto.

Iikot ang kuwento ng Celestina: Burlesk Dancer sa isang ina na papasukin ang pagiging burlesk dancer para buhayin ang anak sa panahong humaharap naman ang Pilipinas sa pananakop ng mga Hapon.

Taong 1940s, habang kontrolado ng bansang Japan ang Pilipinas, si Celestina o Tinay (Yen) ay mayroong sariling pinagdaraanan. Ang asawa niyang si Cornelio (Sid Lucero) ay lasinggero, sugalero, at babaero. Galing ito sa mayamang pamilya pero unti-unting naubos ang kayamanan.

Hindi matanggap iyon ni Cornelio na hanggang ngayon ay astang mayaman pa rin. Si Tinay ang kumakayod para sa kanilang pamilya.

Nang mahuli ni Tinay si Cornelio na nakikipagtalik sa iba, nagpasya na itong iwanan na ang asawa.

Bitbit ang kanilang anak na si Joaquin, magbabagong-buhay sila sa ibang bayan. Doon niya makikilala si Rosalinda (Christine) na tutulong sa kanyang makakuha ng trabaho bilang burlesk dancer sa teatrong pag-aari ni Estong (Allan Paule).

Sisikat nang husto si Tinay, at matitipuhan ng matipunong lalaking si Leandro (Arron Villaflor).

Magkakarelasyon sina Leandro at Tinay, pero kung kailan naman mukhang umaayos na ang lahat ay malalaman niyang myembro ng Hukbalahap (Hukbong Bayan Laban sa Hapon) si Leandro at may gusto itong ipagawa sa kanya.

Samantala, bumabalik sa eksena si Cornelio na pumanig naman sa mga Hapones. Sa gitna ng mga kaguluhan, tunghayan ang mga hakbang na gagawin ni Tinay para sa ikabubuti at kaligtasan ng kanyang anak at sa kapakanan ng bayan.

Ipalalabas ang Celestina: Burlesk sa mga sinehan nationwide sa December 4.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …