Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

“IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat ng aming tagapakinig.” Ito ang binigyang diin ni Ronald Padriaga, Network and Digital Marketing Head sa groundbreaking move ng True FM sa kanilang bagong tahanan, ang, 105.9 FM na isinagawa sa Ynares Center in Antipolo, Rizal kamakailan.

Patuloy pa ring mapakikinggan at mapapanood ang mga minahal na programa sa bagong tahanan tulad ng kina Raffy Tulfo, sa Wanted sa RadyoCristy Fermin at Rommel Chika sa Cristy FerMinute at iba pa.

Sabi nga ni Ronald, “ANG True FM ay may bagong tahanan sa 105.9 FM na po kami sa radyo at nasa Channel 19 sa Cignal TV. Ang pangako lamang namin sa inyo ay ipagpapatuloy ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat ng aming tagapakinig.”

Pinalaki pa ang True FM na dinala sa bagong tahanan. Kaya naman makaaasa tayo na mas exciting, mas malaki na ang playground dahil hindi  na siya radyo lamang kundi mayroon na kaming  TV, podcast, Youtube channel at marami pang social media platforms na aabangan,” sabi naman ni Laila Tsikadora.

Mas masusubaybayan na ng mga Filipino saan mang sulok ng mundo ang pinakamalalaking pangalan sa Philippine radio sa pinagkakatiwalaang news, public service, at entertainment programs ng True FM sa paglulunsad ng True Network ng True TV at True Digital nito.

Simula ngayon, matutunghayan na ng mga listener ang paborito  nilang mga programa tulad ng Wanted sa Radyo, Ted Failon, at DJ Chacha, at Sana Lourd sa True TV sa Channel 19 ng Cignal TV. Para naman sa mga mahilig mag-stream online, mayroong live at on-demand content na available sa True Digital YouTube channel, @TrueNetworkPH.

Patuloy namang maghahatid ang True FM ng dekalidad na radio content nationwide sa 105.9 sa Metro Manila, kabilang ang regional frequencies na 106.7 sa Davao, 101.9 sa Cebu, 101.5 sa Cagayan De Oro, 99.9 sa Ormoc, at 104.7 sa Tacloban.

“The True brand has always been about building trust and connecting with listeners on a personal level, through truth, authenticity, and credibility,” pahayag ni Jane Jimenez-Basas, President at CEO ng Nation Broadcasting Corporation. “True Network reinforces this, aligned with our vision of a unified and meaningful presence for the best personalities in Philippine media.”

Kasama sa pinalawak na lineup ng True Network ang Heart 2 HeartCristy FerminuteGood Morning Bayan kasama si Ruth Cabal, Frontline PilipinasShoutoutMatch MadeDr. Loveat Sagot Kita.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

The Silent Noise

The Silent Noise Blue Carpet premiere dinumog

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ang star-studded blue carpet celebrity premiere ng bagong seryeng The Silent …

The Age Is Right Eat Bulaga

The Age Is Right ng Eat Bulaga click sa viewers

WALANG masyadong excitement ang bagong segment ng Eat Bulaga na The Age Is Right nang magsimula. Pero habang tumatagal …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …