Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jasmine Curtis-Smith John Lloyd Cruz Dahlia Erwna Heussaff Anne Curtis

Jasmine aminadong naiinggit kay Anne na mayroon ng Dahlia

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAITANONG kay Jasmine Curtis-Smith kung ano ang reaksiyon ng boyfriend niyang si Jeff Ortega sa lovescene nila ni John Lloyd Cruz sa Moneyslapper entry sa QCinema International Film Festival.

Wala naman,” pakli ni Jasmine. “Actually pagdating sa mga ganoon nage-gets na rin niya eh, na part talaga iyon ng work ko.

“And he knows also that I choose the projects or the stories na kapag may ganoon, ‘di ba?

“Kasi minsan din we also have to, I guess, screen it for ourselves kapag may ganoon ka ng advantage.”

Napag-uusapan na nila ni Jeff ang tungkol sa pagpapakasal.

Always,” bulalas ni Jasmine, “pero wala pa kaming mga ano, ha? Wala pa ‘yung mga date, mga ano, wala pa.””

Hindi ba siya naiinggit sa ate niyang si Anne Curtis na may anak na, si Dahlia?

Of course! Pero parang, ‘pag naiinggit ako naka-catch ko rin ‘yung sarili ko, ‘Okay na pala ako sa aso at pusa!’

“Kasi at least uuwi na lang ako ‘di ba, walang magte-text sa akin ng ‘Mommy, I need allowance.’

“Wala pa naman sa ganoon si Dahlia pero,” at tumawa si Jasmine.      

Bukod sa Moneyslapper ay patuloy na napapanood si Jasmine sa Kapuso drama series na Asawa Ng Asawa Ko with Rayver Cruz, Joem Bascon, Liezel Lopez, at Gina Alajar sa direksiyon ni Ms. Laurice Guillen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …