Tuesday , January 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED R
ni Rommel Gonzales

TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin si Andrew Gan kung ano ang stand niya sa issue ngayon ng sexual harassment.

Umamin si Andrew na nakaranas na siya

Oo naman…Mga nag-aano…indecent offer.”

Ano ang inalok sa kanya na medyo nalula o nasilaw siya?

Ano siya…career.”

Ibig sabihin ay taga-industrya rin ng showbiz ang nag-alok sa kanya?

Oo.”

Ano ang isinagot niya?

Pagbabahagi ni Andrew, “Ako kasi may prinsipyo ako, na para saan pa na nag-hard work ako, para saan pa hinuhulma ko ‘yung craft ko kung dadaan lang din ako sa shortcut?

“And at the end of the day kung bumigay ka man doon, next month may bagong flavor of the month.

“So ako mas niniwala pa rin na kailangan ‘yung talent mo solid.”

Co-managed si Andrew ng Viva at ng talent manager na si Tyrone James Escalante at kapatid niya rito sina Jane de Leon at Kelvin Miranda.

Nagka-project na ba sila ni Jane? 

Hindi pa, pero ngayon may ginagawa kaming pelikula ni Kelvin.”

Solid ang talent ni Andrew, umaarte, naghu-host, at kumakanta.

Pati nga ang pag-arte sa mga stageplay ay kinakarir ng binata.

Opo, may gagawin akong stage play, A ‘Midsummer Night’s Dream’ ni William Shakespeare, ako po ang lead.”

Bago ito ay naging Romeo na rin si Andrew sa play na Romeo and Juliet play na umikot sa iba-ibang paaralan sa Pilipinas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Maricar Aragon

Benefit concert ni Maricar Aragon matagumpay

MATABILni John Fontanilla DINUMOG ang kaatatapos na benefit concert ng singer na si Maricar Aragon, ang Me …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley napakahusay sa Bar Boys: After School 

MATABILni John Fontanilla ISA sa hinangaan sa entries ngayon sa Metro Manila Film Festival 2025 ay ang …

Kathryn Bernardo Mark Alcala

Kath at Marc magkasama noong New Year

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HAYAGAN na ang pagkukompara ng mga netizen kina Kaila Estrada at Kathryn Bernardo. May …

GMA ABS-CBN TV5

TV5, GMA, ABS-CBN game na game sa labanan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXCITING nga ang TV network wars this 2026. Sa aminin man …

MMFF 2025 Movies

MMFF entries bigong maabot bilyong kita sa takilya

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HAPPY New Year mga Ka-Hataw. Nakaka-sad naman ang balitang five days …