DEAD on the spot ang isang lalaki na si alyas Michael,49 anyos Striker/Parking Boy makaraang barilin ng kanyang nakaalitan sa kanto ng Maria Orosa at UN Avenue Ermita Maynila.
Sa salaysay ng nakasaksi sa krimen, sinabing may nauna nang alitan ang biktima at suspek na si alyas Andi na kapwa parking boy, dahil sa agawan at diskarte sa parking sa naturang lugar.
Nagkaroon aniya ng mainitang pagtatalo hanggang sa binaril ng suspek ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa likuran bahagi ng katawan na nagresulta sa agaran nitong pagkamatay.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at manhunt operation upang maaresto sa salarin. (BRIAN BILASANO)