Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Celestina Burlesk Dancers

Ricky Lee, direk Mac nag-collab para sa Celestina: Burlesk Dancer

IBANG-IBA sa Burlesk Queen ni Vilma Santos ang Celestina: Burlesk Dancer 

NAGSANIB-PUWERSA veteran director Mac Alejandre at National Artist for Film and Broadcast Arts Ricky Lee para sa isang exciting erotic period film handog ng VMX, ang Celestina: Burlesk Dancer.

Bale ito ang ikalawang handog ng VMX pagkatapos ng tagumpay ng Unang Tikim na pinagbidahan nina Angeli Khang at Rob Quinto.

Ang Celestina: Burlesk Danceray pagbibidahan ni Yen Durano kasama si Christine Bermas at iikot ang kuwento sa isang ina na papasukin ang pagiging burlesk dancer para buhayin ang kanyang anak sa panahong humaharap naman ang Pilipinas sa pananakop ng mga Hapon.  Ito ang pinakabagong collaboration nina Ricky at direk Alejandre.

Taong 1940s, habang kontrolado ng bansang Japan ang Pilipinas, si Celestina o Tinay (Yen) ay mayroon ding sariling pinagdaraanan. Ang asawa niyang si Cornelio (Sid) ay lasinggero, sugalero, at babaero. Galing ito sa mayamang pamilya pero unti-unting naubos ang kanilang kayamanan. Hindi matanggap ito ni Cornelio at hanggang ngayon ay astang mayaman pa rin. Si Tinay ang kumakayod para sa kanilang pamilya. Nang mahuli ni Tinay si Cornelio na nakikipagtalik sa iba, nagpasya na itong iwan ang asawa. 

Bitbit ang kanilang anak na si Joaquin, magbabagong-buhay sila sa ibang bayan. Doon niya makikilala si Rosalinda (Christine) na tutulong sa kanyang makakuha ng trabaho bilang burlesk dancer sa teatrong pag-aari ni Estong (Allan Paule). Sisikat nang husto si Tinay, at matitipuhan ng matipunong si Leandro (Arron Villaflor).

Magkakarelasyon sina Leandro at Tinay, pero kung kailan naman mukhang umaayos na ang lahat ay malalaman niyang myembro ng Hukbalahap (Hukbong Bayan Laban sa Hapon) si Leandro at may gusto itong ipagawa sa kanya. Samantala, bumabalik sa eksena si Cornelio na pumanig naman sa mga Hapones.

Sa gitna ng mga kaguluhan, tunghayan ang mga hakbang na gagawin ni Tinay para sa ikabubuti at kaligtasan ng kanyang anak at sa kapakanan ng bayan.

Ipalalabas ang Celestina: Burlesk Dancersa mga sinehan sa December 4, 2024. (MValdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …