Sunday , April 20 2025
Yul Servo Joel Chua

VM Yul kompiyansa at buo ang suporta kay Cong Chua!

TAHASANG inihayag ni Manila Vice Mayor Yul Servo Nieto ang kanyang buong pagsuporta sa muling kandidatura ni Congressman Joel Chua sa ikatlong distrito sa lungsod ng Maynila.

Sa naganap na “Ugnayan” ng Asenso Manileño ruling party sa lungsod, Iginiit ni Servo ang kanyang kumpiyansa kay incumbent Congressman Joel Chua na kanilang official candidate sa pagtakbo muli bilang reelectionist sa Manila 3rd District.

Itiniaas pa ni Servo ang kamay ni Chua bilang tahasang pagpapakita ng suporta kung saan inaasahan na matutuldukan na ang kumakalat na intriga nang personal na dumalo si Servo sa isang bingo event na palaro ng isang barangay official na sumusuporta sa isang kandidato.

Sa naturang bingo event, nagpahayag pa si Servo na ang kanyang presensya ay bilang pagtugon lamang sa paanyaya at upang i-promote din ang tambalang nina Manila Mayor Honey Lacuna (Honey-Yul) kung saan ang kanilang jingle ay kinanta pa mismo ni Servo.

Si Lacuna aniya ang kanyang idolo kung ang paguusapan ay public service at hindi magbabago ang kanyang katapatan sa alkalde, kay Chua lalo na sa kanilang partido.

Sinabi naman ni Chua na hindi aniya nito pinagdududahan ang katapatan ni Servo sa kanilang partido. Kasabay ng panawagan nito sa lahat ng nga kritiko ni Servo na itigil na ang intriga sa bise alkalde.

Matatandaan na si Cong Chua ay isa lamang sa anim na congressman sa lungsod kung saan limang incumbent Congressmen ay nanatiling solido sa  Lacuna-Servo tandem, Ito aniya ay dahil sa kanilang paniniwala na ang naturang tandem ang best choice para muling pamunuan ang lokal na pamahalaan na mayroon tunay na malasakit at pagkalinga sa mga kapwa Batang Maynila.

Kabilang sa limang Congressman ay sina Congressman Rolan Valeriano (2nd district); Edward Maceda (4th district), Irwin Tieng (5th district) at Benny Abante (6th district).

Maliban sa mga District Representatives at mayoryra rin sa konseho o city councilors ay kabilang sa partido ng Asenso Manileño na pinamumunuan ng  Honey-Yul tandem na patuloy anila ang pag-kalinga sa mga Manileño. (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …