Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Francine Diaz Malou de Guzman

Francine ‘wa ker kahit ‘di bida sa pelikula

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KAPURI-PURI ang pagtanggap ni Francine Diaz sa advocacy film na Silay na pinagbibidahan ni Malou de Guzman. Second lead lang si Francine bagamat napakahalaga ng kanyang karakter sa pelikulang ukol sa pagbabalik-eskuwelahan at sa pagnanais makatapos ng isang lola ng pag-aaral.

Ani Francine, na gumaganap na apo ni Lola Silay pagkatapos ng premiere night  na isinagawa sa Trinoma Cinema 7, tinanggap niya ang pelikulang Silay dahil mahalaga sa kanya ang aral na makukuha ng audience.

“Ako kapag tumatanggap ng project ‘yung lessons na makukuha ng audience ang mahalaga. At siyempre bukod sa gusto nating mag-entertain, gusto rin nating ipakita na kung anong talent mayroon kami.

“Gusto rin namin na mayroong matututunan sa pinapanood nila. Lalo na’t maganda ang kuwento, nag-i-inspire siya na mag-aral ng mabuti, na hindi hadlang ang edad sa kagustuhang matuto at makapagtapos ng pag-aaral.

“Parang there is no limit in learning,” tuloy-tuloy na katwiran ni Francine sa pagtanggap niya ng Silay.

Iginiit naman ni Ms Malou na umaasa siyang magiging inspirasyon ang pelikula nilang Silay. “Harinawang mag-inspire ang pelikulang ito. Na kung paano magpaalala kung gaano kahalaga ang edukasyon.”

Sinabi pa ni Ms Malou na isang karangalan sa kanya ang pagkuha ni Ms Rachelle Umandap, ang kanilang producer para magbida. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magbida sa isang pelikula si Ms Malou.

Kaya choosy pa ba kung may offer na ganito,” pabirong tsika ni Ms Malou.

Nagpasalamat si Ms Malou sa mga nanood ng kanilang pelikula na nang araw na iyon ay malakas ang ulan dahil sa bagyong Kristine. Subalit hindi sila napigilan ni Kristine para ibahagi ang maganda nilang pelikula. 

Idinagdag pa ni Francine na ang pelikula nila ay para sa lahat. “Hindi lang ito para sa bata, para sa mga matatanda rin. Sana paglabas ninyo sa silid na ito’y marami kayong bitbit na aral.”

At bago matapos ang media conference, inanyayahan ni Francine ang mga manonood na tangkilikin at suportahan ang kanyang Metro Manila Film Festival entry, ang My Future You kasama si Seth Fedelin. 

I’ll see you  guys as early as next month. Pero sa ngayon gusto kong magpasalamat dahil andito kayo ngayon para suportahan ang ‘Silay,’” pagtatapos ng batang aktres.

Ang Silay ay ukol sa pagbabalik eskuwelahan ni Lola Silay. Isang lola na sobra-sobra ang pagmamahal sa kanyang apo na nagnanais makapagtapos ng pag-aaral. 

Ito ay mula sa Mace Ascending Entertainment Production ni Ms Rachelle Umandap at idinirehe ni Greg Colasito. Bukod kina Ms Malou at Francine, kasama rin sa pelikula sina Ramon Christopher, Yul Servo, Long mejia, Rob Sy, Krista Miller, Joni Macnab, Jervin Mendoza, Rain Perez, Emilio Garciaat introducing sina Merab Soriano, Russel Umandap, Pao Umandap, at Jopher Martin.

Samantala, ibinahagi ni Ms Rachelle na ipalalabas nila ang Silay sa mga eskuwelahan. Kaya sa mga fan ni Francine, ‘wag mag-alala dahil mapapanood ninyo ang inyong idolo sa inyong mga paaralan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …