Friday , November 22 2024
Apple Dy Aya Topacio Stephanie Raz Ghion Espinosa Bobby Bonifacio

Apple hanggang may project at offer maghuhubad— Pero siyempre gusto ko ring gumawa ng mainstream movies

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MARUNONG kaming magmahal.” Ito ang tinuran ni direk Aya Topacio ukol sa inspirasyon niya sa paggawa ng pelikulang Baligtaran na pinagbibidahan nina Apple Dy, Skye Gonzaga, at Calvin Reyes.

Palagi talaga sa paggawa ng pelikula ay ang relationship. I’m proud to be part of the LGBTQIA plus. Marami kaming puwedeng i-offer, marunong kaming magmahal, ‘yun ang lagi kong inspirasyon,”sambit ni direk Aya nang matanong sa inspirasyon ng pelikulang Baligtaran

Ukol naman sa treatment ng paggawa ng pelikula, “kailangan maipakita ko iyong being straight, paano mawawala ang inhibition na yan para maging komportabla na gawin ang isang bagay lalo na iyong nagtutulak sa iyo ‘yung love, emotions. Kasi natural iyon, hindi sex. Ganoon iyong karakter ni Apple dahil sa damdamin niya dahil sa pagmamahal na na-develop, kusa niyang ibinibigay.”

Ang Baligtaran ay isinulat ni Quinn Carillo at sinabi ni direk Aya na mayroon din siyang contribution sa story o suggestion kung paano lalong mapagaganda base sa kanyang experience.

Hindi first time ni direk magdirehe ng sexy, actually, ikatlo nang pelikula ang Baligtaran.

“Pangatlo na itong Baligtaran. At dumedepende ang mga lovescene sa mga character na pino-portray. Kagaya ng kay Apple na DJ siya at straight kaya hindi ito kagaya ng iba. ‘Yung First Time nawawala kasi ‘yung inhibition, doon nakita na because of love, nawala ang inhibition to do that relationship and having make love sa hindi straight,” turan ni direk Aya.

At si Apple, aminadong comfortable siya kay direk Aya sa paggawa ng mga lovescene at daring scene. “Super comfortable ako kay direk Aya. At before naman naming gawin ang mga daring scene, inire-rehearse rin namin. And she’s asking if I’m okey to do it. And super happy ako to work with direk Aya,” ani Apple.

At ukol sa mga grabeng nagawa niya sa pelikulang ito, “May mga places at sulok-sulok na scene na ginawa namin ang mga sobrang hot scene. And compare run sa ginawa kong Kiskisan, sa location, ito ‘yung mga unexpected location na hindi mo iisipin na mag-aano kayo roon.”

Isang Filipino-Chinese si Apple kaya natanong ito kung paano natanggap ng kanyang pamilya ang pagpapa-sexy sa pelikula at kung pinapanood ba ng mga ito ang kanyang mga ginagawang project.

Hindi po,” pag-amin ni Apple. “Actually ‘yung parents ko po hindi nila alam iyong work ko pero ‘yung sister and brother ko alam nila. ‘Yung sister ko pinanonood nila and supportive naman sila sa work ko. 

Naiintindihan naman nila na ang pag-aartista ay kailangang maging versatile na kayang gawin anumang role ang ibigay. And aware naman sila na sexy ang movies.”

Alam naman daw ng kanyang magulang na artista siya. Hindi lamang nanonood ang mga ito ng ginagawa niyang pelikula at aware rin na nagpapa-sexy siya.

Alam ko gets naman nila hindi lang talaga nila pinapanood. Kasi may mga poster na lumulusot nakikita nila at kinukuwestiyon. Sabi nila, ‘ano ba yan? Bakit ganyan.’ Medyo conservative po kasi talaga sila, gusto nila Maria Clara ganyan.”

Sinabi pa ni Apple na binigyan naman niya ng limitasyon ang pagpapa-sexy at gusto niyang makagawa ng mainstream movies. “Hanggang kaya ko, I think walang time limit, hangga’t may project, hangga’t may offer na movies and project gagawin ko siya. Pero siyempre gusto ko ring gumawa ng mainstream movies.”

Mapapanood ang Baligtaran simula November 1  sa Vivamax. Ito’y ukol sa Isang DJ na may masalimuot na nakaraan na mahuhulog sa isang relasyon na maaaring magdala ng paghilom o muling pagkabigo.

Ang isa pang dapat abangan ay ang Ungol sa November 8 na nagtatampok kina Audrey Avila, Stephanie Raz, Chad Solano, at Ghion Espinosa. Idinirehe ito ni Bobby Bonifacio.  

Isang sexy-drama Vivamax Original ang Ungol na ang kuwento ay ukol sa isang bulag na dalaga na may makeshift motel sa magulo at masikip na lugar. Sa motel niyang ito nagnanakaw ng sandali ang mga magkarelasyon o mga indibidwal na gustong maging pribado habang pinaliligaya ang mga sarili.

Ungol pala ang tawag sa halinghing ng lalaki kapag nakikipagniig, ayon kay direk Bobby.

First time gumanap na bulag ni Stephanie kaya naman talagang nahirapan siya.

Sobrang hirap kasi may mga scene na nakakalimutan kong bulag ako. Ipinaaalala lang ni direk Bobby na bulag ako.  Ang hirap wala akong idea kung paano maging bulag, so nagpatulong ako kina direk na mag-workshop para malaman ko kung paano maglakad ang bulag, paano kumilos. Nakatulong naman at nagampanan ko.

Nahirapan din siya sa paggamit ng contact lens dahil umaga hanggang gabi niyang suot-suot iyon. “May pahinga naman pero ‘yung oras umaga hanggang gabi mahirap talaga.  At first time kong nag-try ng parang doll eyes. Nagda-dry agad dahil sa init, sa ilaw.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Huwag Mo Kong Iwan Rhian Ramos JC de Vera Tom Rodriguez

Huwag Mo ‘Kong Iwan nina Rhian, JC, at Tom, mapapanood na sa Nov. 27

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAPAPANOOD na next week ang family drama movie na Huwag …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

24 Oras

Award-winning flagship newscast ng GMA pinaka-pinagkakatiwalaan pa rin

RATED Rni Rommel Gonzales SA pananalasa ng Super Typhoon Pepito nitong Linggo (Nov. 17) sa …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …