INILUNSAD na ng Quezon City Police District (QCPD) ang “Project Ligtas Eskwela” sa mga paaralan sa Lungsod Quezon para matiyak ang seguridad at kaligtasan ng mga estudyante.
Ayon kay QCPD Acting District Director, P/Col. Melecio Buslig, Jr., prayoridad ng proyekto na palakasin ang kaligtasan at seguridad sa mga paaralan. Ang inisyatibang ito ay layong magbigay ng ligtas na kapaligiran para sa mga mag-aaral, guro, at kawani ng paaralan sa buong Quezon City.
Sinabi ni Buslig, sa mga petsang 22-28 Oktubre 2024, nakapagtalaga na ang pulisya ng 273 Police Assistance Desk (PAD) sa iba’t ibang paaralan, nagsagawa ng 171 security activities, at nagpakalat ng 481 personnel para mapanatili ang presensiya ng pulisya.
Binisita rin ng QCPD ang 179 paaralan at nag-aalok ng suporta at direktang pakikipag-ugnayan sa mga mag-aaral, mga guro, at kawani.
“Our officers are here to support and stand alongside our students and teachers. With every PAD we set up and every school we visit, we reinforce our pledge to the welfare and security of our youth. Through “Project Ligtas Eskwela,” the QCPD not only upholds its mission to foster a safe educational environment across Quezon City but also fulfills the directive of NCRPO Acting Regional Director, P/MGen. Sidney S. Hernia, to protect and support every student and educator in the region,” pahayag ni Buslig. (ALMAR DANGUILAN)