Wednesday , December 25 2024
Jake Cuenca

Jake hataw sa Prime Video at Netflix, magpapamalas ng husay

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAGALING palang magsalita at sumagot sa mga katanungan itong si Jake Cuenca. Matagal na naming naiinterbyu ang aktor pero nito lamang napansin ang husay niya sa pakikipag-usap. Almost three hours yata na walang tigil ang pagtatanong namin sa kanya at pawang magagand at may laman ang isinasagot ng magaling na aktor.

Kaya naman natanong namin kay Jake kung wala bang humikayat sa kanya na pasukin ang politika. Sa totoo lang kapag nagsalita sa harap ng mga constituent si Jake tiyak na iboboto

o makakukukuha siya ng boto.

Ayon kay Jake nang makahuntahan namin ito noong Biyernes sinabi niyang maraming nanligaw at humikayat sa kanya para pasukin ang politika.

Pero hindi siya naeenganyo dahil ang focus niya ay ang kanyang showbiz career. 

Sa totoo lang marami na palang alok na natanggap si Jake para magsilbi tulad ng pagkandidato bilang board member at konsehal.

Pero sa tuwina, iisa ang sagot ng aktor na kamakailan ay muling pumirma ng kontrata sa ABS-CBN. “I can’t turn my back. Hindi ko pwedeng talikuran ’yung pangarap ko or ’yung dream ko of being this actor, this director or this…so I think, politics kasi, if you do that, naturally this will have to take a backseat and this will always be my priority.”

Kaya sa ngayon wala muna sa kanyang ulirat ang politika.

I think for now. For now, I’d say yeah,” sagot nito nang matanong kung isinasara na niya talaga ang pintuan para sa politika.

“But I do wish for the country, para sa bansa natin na to put the right officials there.

“Kasi ako, nararamdaman ko na kailangan ng bansa natin ’yung mga tamang tao na nakaupo talaga. So for me, parang ako, I can only speak for myself.

“Obviously, like, even if I had the heart for it na I want to help, ‘di ba, I also have to ask myself, ‘do I have the mind for it,’ ‘di ba? Can I really, really be of service to the Filipino people or my community or land, ’di ba?

“Ako naman, eh, the people can vote for whoever they wanna vote for. Ako talaga, it’s not my thing. It’s more my lolo’s thing. It’s his world and he’s made an indelible mark in politics. I don’t wish to shut that or pass that,” katwiran ng magaling na aktor na ang tinutukoy na lolo ay ang ang na-appoint ni dating President Corazon Aquino  noong 1986 bilang Chairman ng Movie and Television Review and Classification Board.

“At saka for me talaga, honestly, like, I’m just proud to be, you know, part of show business, be part of this industry and kung kaya kong itayo ‘yung bandera ng pagiging aktor, pagiging artist, I’m more along those lines,” sabi pa ni Jake.

Ako, honestly, for me, parang I know a lot of different people who are more suited in that position than myself,” dagdag pa ng aktor.

Sa kabilang banda, isa pa rin si Jake sa pinakamahusay na aktor sa showbiz. Kahit walang regular onscreen partner para palakasin ang career, matagumpay na naitaguyod nito ang kanyang stellar career bilang isang dedicated at seryosong aktor.

Mapupuri talaga si Jake sa pagpapakita ng kanyang husay sa pagganap, at nagbukas ang mga pinto para sa kanya sa dalawang monumental projects na nagdala sa kanya sa dalawang major streaming platforms.

Humigit dalawang dekada na Jake sa industriya. Noong 2009, napansin at lalong nakilala si Jake sa kanyang papel bilang David “Dave” Garcia Jr. — isang sundalo sa telserye ng ABS-CBN na Tayong Dalawa.

Ang papel na ito ang nag-angat sa kanya sa kasikatan, lalo pa’t sumikat din ang show sa Asya at Africa. At sa paglipas ng mga taon, naituloy at napagtagumpayan niya ang kanyang karera na anumang papel o karakter ang ibigay, nagagampanan niya iyon ng buong husay at talagang naipakikita ang pagiging tunay na aktor—mapa-bida o kontrabida.

Muling umingay si Jake noong 2022, sa action-packed teleserye na The Iron Heart sa kanyang papel bilang si Eros del Rio — ang central antagonist ng ikalawang season ng show.

Nasundan agad ito ng kanyang key role sa critically acclaimed thriller na Cattleya Killer, bago siya bumalik sa leading man status sa Viu original na K-Love.

At kamakailan, nagbida si Jake sa Philippine adaptation ng K-drama na What’s Wrong With Secretary Kim kasama si Kim Chiu at ang best friend niyang si Paulo Avelino.

Sa pelikula naman, marami ring impressive performances si Jake kasama na riyan ang Mulat (Awaken) na nanalo siya ng dalawang Best Actor award: isa sa International Film Festival Manhattan noong 2014 at isa mula sa World Cinema Festival sa Copacabana noong 2016.

At ngayong 2024, mapapanood si Jake sa inaabangang Prime Video series na What Lies Beneath sa Kapamilya Channel. Idinirehe ni Dado Lumibao mula sa ABS-CBN business unit na RCD Narratives, umiikot ang serye sa isang murder mystery sangkot ang anim na kababaihan at dalawang lalaki, at ang karakter ni Jake ang magbibigay ng importanteng layer ng suspense at intriga sa istorya habang tumatakbo sa isip ng mga manonood ang tanong na: Siya nga ba talaga ang gumawa?

Hindi lang iyan, isa pang project ang maglalagay kay Jake sa Netflix, ang original film na The Delivery Guy na idinirehe naman ni Lester Pimentel.

Gagampanan ni Jake sa thrilling, high-octane film na ito ang papel ng isang ruthless mafia boss. Dito’y maraming kuwento si Jake kung paano niya pinaghandaan ang kanyang papel

tulad ng pagpunta at pananatili sa Mandaluyong City Jail.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …