Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Loren Legarda Dayaw Bilyonaryo News Channel BNC

Loren Legarda’s award winning docu series nasa Bilyonaryo na

MAPAPANOOD na sa Bilyonaryo News Channel (BNC) ang award-winning documentary series, Dayaw ni Senator Loren Legarda.

Magsisimula sa Sabado, Oktubre 26, iniimbitahan ng Dayaw ang mga manonood na sumama sa paglalakbay sa mga makukulay na tanawin ng Philippine cultural heritage.

Proyekto ito ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na naging posible dahil sa matatag na suporta ni Legarda mula nang ilunsad ito noong 2015.

Bida sa Dayaw ang mga katutubo ng bansa, mga kaugalian, ritwal, tradisyon at mahalagang papel nila sa paghubog ng Filipino cultural fabric.

Sa bawat episode, ginagabayan ni Senator Legarda ang mga manonood sa pamamagitan ng mga kaugalian at gawi na nagbubuklod sa mga katutubong pamayanan, na nagpapakita ng kanilang malalim na paggalang sa kalikasan, kanilang katatagan at mga survival method na patuloy na nagpapayaman sa kanilang buhay. 

Mula sa tradisyonal na palakasan at wika hanggang sa masiglang sayaw, ritwal at pagluluto, binibigyang-diin sa Dayaw ang kahalagahan ng paggalang sa mga kasanayang ito para matiyak ang isang pamana ng kultura para sa mga susunod na henerasyon.

Nagmula sa salitang nangangahulugang “ipresenta o isuot nang may pagmamalaki,” ang Dayaw ay angkop na kumakatawan sa misyon nito na itaguyod ang diwa ng Filipino, na nagbibigay-diin sa kagandahan, dignidad at katatagan ng katutubong pamana.

Saksihan ang mga kuwento, hamon, at katatagan ng mga katutubong komunidad at magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa ating pamana sa Dayaw sa Bilyonaryo News Channel, na available sa BEAM TV 31 (maa-access sa pamamagitan ng digital TV boxes sa Metro Manila, Cebu, Davao, Iloilo, Baguio, Zamboanga, at Naga), Converge Channel 74 at sa Cignal Channel 24. (MValdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

The Silent Noise

The Silent Noise Blue Carpet premiere dinumog

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ang star-studded blue carpet celebrity premiere ng bagong seryeng The Silent …

The Age Is Right Eat Bulaga

The Age Is Right ng Eat Bulaga click sa viewers

WALANG masyadong excitement ang bagong segment ng Eat Bulaga na The Age Is Right nang magsimula. Pero habang tumatagal …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …