ni MARICRIS VALDEZ
INIHAYAG kahapon ang lima pang pelikulang kokompleto sa sampung entries sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024 na gaganapin sa Disyembre.
Ginanap ang paghahayag sa Podium Hall, Ortigas Center, bilang bahagi ng Sine-Sigla sa Singkwenta” para sa ika-to taon ng filmfest.
Pinangunahan ni dating MMDA-MMFF chairman Benjur Abalos kasama sina MMFF Executive Committee at Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Don Artes, MMFF Executive Committee head Boots Anson Roa-Rodrigo, at Jesse Ejercito ang pag-aanunsiyo sa second batch ng lima pang entries.
Ang lima pang entries ay ang My Future You ng Regal Entertainment na pagbibidahan nina Seth Fedelin at Francine Diaz, directed by Crisanto Aquino; Uninvited nina Aga Muhlach, Nadine Lustre, at Vilma Santos ng Mentorque Productions; Topak ng Nathan Studios na pinagbibidahan nina Arjo Atayde at Julia Montes; Hold Me Close nina Carlo Aquino at Julia Barretto mula Viva Entertainment; at Espantaho nina Judy Ann Santos at Lorna Tolentino, mula Quantum Films at Cineko Production.
Bago ang second batch nauna nang inihayag Top 5 official entries nito noong July. Ang mga pelikulang ito ay ang And the Breadwinner Is…ng ABS-CBN Film Productions, Inc. at The Ideafirst Companyna idinirehe ni Jun Robles Lana,
written by Daisy Cayanan, Jumbo A. Albano & Jun Robles Lana at pagbibidahan ni Vice Ganda;Green Bones ng GMA Pictures, directed by Zig Dulay at pagbibidahan nina Dennis Trillo at Sofia Pablo; Himala, Isang Musikal ng Kapitol Films / Uxs, Inc., directed by Jose Lorenzo “Pepe” Dioknona pagbibidahan nina David Ezra, Victor Robinson, Aicelle Santos, at Bituin Escalante; Strange Frequencies: Haunted Hospital ng Reality MM Studios, Inc., idinirehe ni Kerwin Go at pagbibidahan nina Enrique Gil, Rob Gomez Jane De Leon, Alexa Miro, at MJ Lastimosa; at The Kingdom ng APT Entertainment, Inc., MZET TV Productions, Inc., MQuest Ventures, Inc., idinirehe ni Michael Tuviera at pagbibidahan nina Vic Sotto, Piolo Pascual, Sue Ramirez and Cristine Reyes
Magaganap ang annual Parade of Stars sa December 15 at ang Gabi ng Parangal naman ay sa December 27.
Sina Isabel Daza at Jake Ejercito ang nag-host sa naganap na pagbabahagi ng official entries.