Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ysabel Ortega Miguel Tanfelix Rhea Tan Sofia Pablo Shaira Diaz Beautederm Belle Dolls

Miguel mala-Ken Doll sa Belle Dolls launch

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAGMISTULANG Ken Doll si Miguel Tanfelix sa piling ng tatlong Barbie Dolls na sina Ysabel Ortgea, Sofia Pablo, at Shaira Diaz sa launch ng Belle Dolls ng Beautèderm ni Ms. Rhea Anicoche-Tan na mala-Barbie rin ang ganda at freshness.

At ang mga packaging ng products ng Belle Dolls, swak sa kulay ng mga suot nilang lima during the launch.

Ang mga ito ay ang Premium Glutathione & Premium Vitamin C (na kulay blue tulad ng suot ni Sofia); Caramel Macchiato (na kulay caramel tulad ng outfit ni Ysabel); Stem Cell Juice Drink (pink na tulad ng suot ni Shaira); Dark Chocolate (na kulay brown tulad ng suit ni Miguel) and Collagen Juice Drink (na napalamig sa matang kulay green na kakulay ng suot ni Ms. Rhea).

At hindi lamang basta launch ang naganap sa ballroom ng Novotel Hotel sa Cubao, nagkaroon din ng mini-concert na kumanta ang mga bagong celebrity endorser.

In attendance rin ang iba pang mga celebrity ambassadors ng Beautèderm tulad ni Sylvia Sanchez na pinakaunang endorser ng wellness and beauty product, ang guwapong San Juan 1st District Councilor na si Ervic Vijandre, Alma Concepcion, Jimwell Stevens, Rochelle Barrameda, Kakai Bautista, Kitkat, Ynez Veneracion, at ang boyfriend ni Shaira na si EA Guzman.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …