Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PlayTime Binibining Pilipinas

PlayTime binigyang papremyo mga nagwagi sa Binibining Pilipinas

NAGKALOOB ng papremyo ang PlayTime, lumalagong online gaming entertainment platform, sa mga kandidato ng Binibining Pilipinas na nanalo ng mga espesyal na parangal sa ika-60 edisyon ng patimpalakan ng Binibining Pilipinas.

Nagbigay ang PlayTime ng Php25,000 sa bawat parangal, na inihandog ng Media Coverage Lead ni Rico Navarro. Ang mga kandidata ay kinilala hindi lamang para sa lubos na pagpapakita ng kagandahan, poise, at halaga ng pagkakaibigan gayundin ng pamana ng kultura sa panahon ng kompetisyon:

 Ang mga nabigyan ng espesyal na premyo ay sina Binibining Pilipinas 2024 – International Myrna Esguerra – Best in Gown and Best in Swimsuit; Roselyn Evardo – Binibining Friendship; at ang Top 5 sa National Costume na sina Zianah Famy; Joyce Garduque; Myrea Cacam; Monica Acuno; Myrna Esguerra.

Para kay Binibining Pilipinas 2024 – International Myrna, ang pagkakamit ng titulo, ang mga espesyal na parangal, at ang kanyang paglalakbay ay hindi malilimutan kailanman. 

“Hindi na magiging pareho ang buhay ko pagkatapos ng Binibining Pilipinas, dahil sa mga bagay na natutunan ko sa aking paglalakbay. But it’s all positive, and I’m really grateful for everything that happened, and it’s something that I will own forever in my heart,” ani Myrna.

Tumanggap din si Binibining PlayTime Samantha Viktoria “Sam” Acosta ng kanyang premyo sa ibang event.

“Ang pagkamalikhain at pagnanasa na ipinakita ng mga kahanga-hangang kababaihan ay tunay na namumukod-tangi at karapat-dapat na kilalanin. Kami, sa PlayTime, ay ikinararangal na ibigay ang mga karapat-dapat na nanalo ng mga premyong cash bilang tanda ng aming pagpapahalaga,” sambit naman ni Jay Sabale, Senior Manager, PR. (MValdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …