Thursday , January 2 2025
Kris Aquino

Kris ikakasal sa karelasyong doktor; magbabalik-ABS-CBN

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ISA kami sa nangulit sa isa sa aming kasamahan sa panulat na very close kay Kris Aquino, si brader Dindo Balares, dating editor ng Balita na ngayo’y nag-eenjoy na bilang farmer sa kanyang lupain sa Bicol ng ukol sa kumalat na balitang ikakasal na ito.  

Unang sagot nito sa amin, wala siyang kaalam-alam dahil nasa gubat nga niya pero aniya, “pakikiramdaman ko.”

 At matapos ang isang araw ng pakikiramdam at sa napakaraming nagtanong sa kanya, binalikan kami at ang sagot, “The best answer to that Fake News.”

Makaraan ang ilang araw mukhang ang dating sinasabing walang katotohanan ay  may bahid nang katotohanan, ikakasal ang Queen of All Media na si Kris.

Sa latest Instagram post kasi nito ay tila may pahiwatig na may mangyayaring kasalan sa kanila ng karelasyong si Dr. Michael Padlan.

Nasa huling parte ng mahabang post ni Kris nabanggit ang magaganap na “small wedding” pero iginiit na ibalato na lang muna sa kanya ang ukol dito.

“Apologies, but until my groom and I exchange vows, in that very small wedding (but surely not held outdoors) I’m choosing to keep my relationship private.

“Ibalato n’yo na sa kin yun. Invited naman kayong lahat if and when sa kasal,” pagbabahagi ni Kris.

Kasama sa post ni Tetay ang update sa kanyang health condition na kinompirmang cancer free na siya subalit nananatili ang autoimmune diseases.

Aniya, sumailalim siya sa napakaraming medical test kabilang na ang PET (Positron emission tomography) scan.

“Clear intestines. No visible sign of cancer,” anito.

Subalit ikinatatakot ni Kris, pagtatapat nito ay ang tatlong autoimmune condition niya na “life-threatening” – ang Churg Strauss na ang tawag ngayon ay EGPA, Systemic Sclerosis or SCLERODERMA at ang  LUPUS o Systemic Lupus Erythematosus (SLE).

“I now have 5, possibly 6 autoimmune conditions. But the scary part is that 3 of the diagnosed ones are life threatening in other words- pwedeng ma-damage my vital organs or my blood vessels, specifically my artery connecting my lungs to my heart- to the extent na I can die immediately from a stroke or aneurysm or cardiac arrest.

“I am now suffering from a Lupus Arthritis flare. Deep bone pain. Hirap ako to walk without assistance. I’ll start my physical rehabilitation therapy in a few days. But I need to do so with a walker.

“My immunity is zero. Ang ubo for me can easily be pneumonia and ICU confinement. Strict rule, no direct even indirect sun exposure or my lupus flares will be triggered as well as my Scleroderma,” ani Kris.

Sa kabila nito’y positibo si Kris at sinabing hindi siya susuko sa kanyang laban.

Sinabi rin niya ang posibilidad na pagbabalik niya sa ABS-CBN sa pamamagitan ng isang bago show na ipalalabas bago matapos ang 2024.

Para hindi kayo magsawang magdasal Sabi nyo, you miss watching me. I want to thank my former ABS-CBN bosses for allowing Jasmin and Darla to work with me on a show which will launch before 2024 ends,” anang mama nina Joshua at Bimby.

Hindi naman sinabi ni Kris ang tema ng show na sisimulan sa ABS-CBN.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF50 Topakk Uninvited

‘Uninvited’ at ‘Topakk’, parehong must-watch-movies sa MMFF50

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAPANOOD namin pareho ang mga pelikulang ‘Uninvited’ at ‘Topakk’ last …

Aga Muhlach Uninvited

Aga mapapamura ka sa galing

RATED Rni Rommel Gonzales NAIMBITAHAN kami ng Mentorque Productions, thru colleague Reggee Bonoan sa block screening for the …

Arjo Atayde Aga Muhlach Dennis Trillo Piolo Pascual

Arjo maile-level na kina Aga, Dennis, at Piolo

RATED Rni Rommel Gonzales BATANG paslit pa lamang si Arjo Atayde ay kilala na namin siya at …

Rosh Barman

Rosh nagpapasalamat sa Nathan Studios

MATABILni John Fontanilla ISANG malaking karangalan para sa aktor na si Rosh Barman ang makasama sa  pelikulang Topakk na …

Nadine Lustre Mali Elephant

Nadine nalungkot  preserbang katawan ni Mali idinispley 

MATABILni John Fontanilla HINDI nagustuhan ni Nadine Lustre nang makitang display sa Manila Zoo ang naka-preserve na …