Friday , January 3 2025
Anthony Davao Dyessa Garcia Christopher Novabos

Anthony Davao feel mag-action; Dyessa gusto makagawa ng sexy-comedy

LOOKING forward sa paggawa ng action movie si Anthony Davao dahil hindi pa raw niya ito nagagawa.

Ito ang tinuran ng anak ni Charlon at pamangkin ni Ricky Davao sa presscon ng pelikulang handog ngayong Oktubre ng VMX, ang Donselya kasama si Dyessa Garcia na ang kuwento ay ukol sa  isang 18 taong gulang na na gustong angkinin ng isang milyonaryo.

Ayon kay Anthony hilig niyang manood ng action movie kaya naman iyon ang gusto niya ring magawa in the future.  “May kaunting action din naman kami rito sa pelikula ni direk Christopher Novabos pero more on drama kasi,” anang batang aktor. 

Sa comedy naman gustong sumabak ni Dyessa. “Nag-eenjoy kasi ako sa ganoong tema. Parang feeling ko kaya ko. Siguro dahil sexy na ako, sexy comedy. Kasi mostly lagi na akong umiiyak sa VMX, parang recently lagi na akong pinaiiyak ni Boss Vic (del Rosario).

“Natanong ko before kung bagay ba sa akin ang umiyak at nakita ko namang okey, pero gusto ko ring ma-try ang ibang genra katulad ng comedy nga, horror,” dagdag pa ni Dyessa. 

Hindi naman naitago ni Dyessa ang paghanga sa mga kasama niyang aktor sa pelikula tulad nina Allan Paule, Tanya Gomez, at Arnold Reyes

Tawang-tawa naman kami nang sabihin nitong noong una ay hindi niya alam ang ibig sabihin ng donselya. Ang buong akala niya ay pangalan ito nina Don at Selya.

Nalaman ko na lang nang ipaliwanag sa akin ni direk ang ibig sabihin ng donselya at nang nabasa ko na ang script. Pero noong una talagang ang akala ko pangalan sila. Ang naisip ko pa parang nabutasan,” natatawang esplika ni Dyessa sa isinagawang presscon sa Viva Boardroom kamakailan.

Kapwa first full length movie ang Donselya nina Dyessa at Anthony kaya naman kapwa nila ikinatuwa ito.

May mga kasama kasi kaming veteran actor so, parang doon pa lang sa workshop nape-pressure na ako kasi naiisip ko na agad na kasama ko sila sa mga eksena. Isip ko baka masungit sila, pero naisip ko rin na kailangan ko silang i-approach, masanay na nakatingin ako sa kanila, kasi baka ma-starstruck ako, ganoon ‘yung mga naiisip ko,” esplika ni Dyessa.

“Sobra po kasi talaga ang nai-starstruck sa mga veteran actor at napatunayan kong masaya pala silang kasama lalo na si sir Allan, si Ms. Tanya. 

Tinatanong ko si sir Arnold kung ano inspirasyon niya para kung paano lalong gagalingan ang pag-arte. Kaya binibigyan niya ako ng mga tip. Medyo curious din kasi ako kung ano ‘yung nasa isip nila, kaya naging palagay na ako noong magkuwentuhan na kami ng tungkol sa buhay-buhay.

“‘Yung ukol naman sa kung gaano ito ka-bold kompara sa ibang nagawa ko, sobrang challenging ito sa akin dahil sobrang dami kong iyak at daming pisikal na naganap. Maraming first time na nagawa ko rito. Kay sir Arnold ko naramdaman na nadadala siya sa character niya kaya ako rin ganoon. Kung ano ‘yung istorya sa movie ‘yun ang nangyayari sa totoong buhay, kaya totoo na ‘yung iyak ko kasi nararamdaman ko ang galit niya. 

“Tapos nakakaramdam na ako ng awa sa kanya, hindi naman totoo pero ‘yun ang pakiramdam ko, siguro dahil sa galing niya talagang umarte,” dagdag pa ni Dyessa. 

First full length ko rin ito at sa character ko naman very intense talaga kasi medyo dark ang mind set ko rito. Kaya sobrang challenge sa akin. Nakakatuwa rin na nagawa namin ‘yung mga heavy scene with the veteran actors,” sabi naman ni Anthony.

Sa pelikula gaganap si Dyessa bilang si Iris, panganay sa apat na magkakapatid. Mula sa mahirap na pamilya, handang magsakripisyo para maibsan ang paghihirap. Kaya wala siyang tutol nang gusto siyang ipakasal sa isang mayamang biyudo (Arnold) kapalit ang malaking pera sa isang kondisyon na siya ang unang lalaking makakasiping.

Nagtapos si Joaquin (Arnold) ng medisina, pero nagtrabaho at yumaman bilang negosyante. Namumuhay ito ng solo, maselan, at malinis sa katawan. Maginoo ito kung titingnan, pero mag-ingat sa kakayahan niyang maging marahas.

Bago pakasal kay Joaquin, dapat nang putulin ni Iris ang relasyon kay Jimbo (Anthony). Tutal, hindi naman siya seryoso rito at wala siyang nakikitang magandang buhay sa pagtitinda lang nito ng mga prutas sa palengke. Pero hindi ito magiging madali, at dudungisan ni Jimbo ang kanyang pagkababae.

Ang Donselya ay idinirehe ni  Christopher Novabos, palabas na sa October 29, 2024. Kasama rin dito sina Chloe Jenna, Vern Kaye, at Juan Calma.

Dapat ding abangan ng mga VMX fans ang Krista na pinagbibidahan nina Cess Garcia, Zsara Laxamana, Karl Aquino, at JD Aguas na idinirehe ni Sid Pascua sa October 25, 2024 sa VMX.   

Ang Krista ay tungkol sa mag-asawang sina Krista (Cess Garcia) at Makoy (Karl Aquino) na labis-labis ang pagmamahal sa isa’t isa at laging nariyan para magbigayng suporta at humarap sa problema na magkasama.

Pagdating naman sa kanilang mga pangarap, gusto lang ni Krista ng simple at payak na buhay, si Makoy naman ay mataas ang ambisyon at gustong yumaman at magkaroon ng mas komportableng buhay. Nagtatrarabaho si Makoy sa isang sabungan na pagmamay-ari ng tuso at mapagmalupit na si Samuel (Elmo Elarmo), sa sabungan din nagtitinda si Krista ng mangilan-ngilan na meryenda at inumin.

Hindi sapat ang kinikita ni Makoy sa sabungan para matustusan ang kanilang mga pangangailangan, at hindi rin siya inilalapit nito sa kanyang mga pangarap. Dahil desperado na sa pag-asenso, magtatangka si Makoy na magnakaw sa sabungan ni Samuel pero mahuhuli at isusumbong ng katrabahong si Diego (JD Aguas).

Dahil marahas si Samuel, plano niyang parusahan at pahirapan si Makoy sa binalak nitong pagnanakaw, pero pipigilan ito ni Krista at hihingi ng ibang kondisyon kay Samuel para lamang hindi masaktan ang asawa.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF50 Topakk Uninvited

‘Uninvited’ at ‘Topakk’, parehong must-watch-movies sa MMFF50

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAPANOOD namin pareho ang mga pelikulang ‘Uninvited’ at ‘Topakk’ last …

Aga Muhlach Uninvited

Aga mapapamura ka sa galing

RATED Rni Rommel Gonzales NAIMBITAHAN kami ng Mentorque Productions, thru colleague Reggee Bonoan sa block screening for the …

Arjo Atayde Aga Muhlach Dennis Trillo Piolo Pascual

Arjo maile-level na kina Aga, Dennis, at Piolo

RATED Rni Rommel Gonzales BATANG paslit pa lamang si Arjo Atayde ay kilala na namin siya at …

Rosh Barman

Rosh nagpapasalamat sa Nathan Studios

MATABILni John Fontanilla ISANG malaking karangalan para sa aktor na si Rosh Barman ang makasama sa  pelikulang Topakk na …

Nadine Lustre Mali Elephant

Nadine nalungkot  preserbang katawan ni Mali idinispley 

MATABILni John Fontanilla HINDI nagustuhan ni Nadine Lustre nang makitang display sa Manila Zoo ang naka-preserve na …