Wednesday , October 23 2024
Shanaia Gomez The Gatekeeper

The Gatekeeper ni Shanaia tagumpay sa pananakot

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BWISIT NA BWISIT kami hindi dahil sa galit kundi dahil talagang natakot kami sa pelikulang The Gatekeeper na pinagbibidahan ng New Gen Multimedia Star na si Shanaia Gomez na napapanood na simula kahapon, October 19 sa iWantTFC. Mula ito sa mga malikhaing isipan sa likod ng award-winning na makasaysayang biopic na Quezon’s Game na sina Matthew at Dean Rosen.

Umpisa pa lang makakaramdam ka na ng kaba at kilabot sa original horror film na The Gatekeeper. Kaya nga tamang-tama ang pagdadala ni Shanaia ng kilabot sa mga manonood ngayong Halloween season, na humaharap sa matinding takot sa likod ng isang misteryosong artifact.

Interesting ang paglalatag ng istorya nina Matthew at Dean na tumatalakay sa malalim na misteryo ng demonyo na nakatago sa totoong mundo habang pinagsasama ang mga elemento ng Bibliya sa mga alamat ng Filipino na ipinakita sa pamamagitan ng lens ng isang antique dealer, Cita (Shanaia). Nakarating siya sa isang kakaibang cabinet na nagsisilbi ring portal sa kasuklam-suklam na mga hukay ng underworld—biglang naging gatekeeper sa dalawang marahas na mundo. 

Sa  pag-Unlock ng Mystery ni Shanaia sa cabinet maraming mangyayari na talagang ikahihiyaw ng manonood.

First time sumabak ni Shanaia sa horror genre kaya nga ‘ika niya, isang bagay na hindi niya inaasahan sa kanyang booming showbiz career. Sa kabila nito, ipinahayag niya ang kanyang pananabik na maranasan ng mga manonood ang pelikula na kaya siya pumayag ay para tuklasin pa ang iba pang mga mangyayari sa iba’t ibang genre. 

Naaalala ko na kung may genre na hindi ko akalain na magagawa ko, ito ay horror. Biglang dumating ang pagkakataong ito at sinabi ko sa sarili ko na gawin ang lahat, na subukin ang iba pang genre,” ani Shanaia.

Bago ang big break niya bilang aktres, unang nakipag-kompitensiya si Shanaia bilang isang aspiring singer sa debut season ng Idol Philippines at naging celebrity housemate para sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10. 

Nakapagbida na rin siya sa iba’t ibang Kapamilya series kabilang ang FPJ’s Batang Quiapo, Can’t Buy Me Love at iWantTFC Original He’s Into Her, isang theatrical billing sa The 25th Annual Putnam County Spelling Bee, at isang appearance sa ang all-time na pinakamataas na kita na pelikulang Rewind. Sa mga experience na ito, hindi kataka-taka na may arte ring maipagmamalaki si Shanaia. 

Bukod dito, gumagawa rin ng mga wave sa music scene si Shanaia. Kamakailan ay inilabas ang kanyang bagong single na Cloud 9 sa ilalim ng Star Music. 

“We are in awe of her acting ability, her acting decisions, and her patience to achieve perfection. She brings something special to the character of Cita making it very believable and will resonate with audiences,” papuri ni Matthew kay Shanaia. 

Umaasa ako na kailangan ng mga manonood sa parehong paglalakbay ng pag-iisip-pumupukaw ng pagtuklas at nakakabagabag na takot na maghanap ng mga sagot para linawin kung ano ang natuklasan ni Cita. Maraming mga bagay na dapat katakutan sa pelikulang ito. Ngunit ang higit na dapat nating katakutan ay ang lahat ng ito ay maging totoo,” sabi pa ni Matthew.

Ang ‘Gatekeeper’ ay kasing misteryo ng pelikulang horror. Pinagsasama nito ang mga misteryo mula sa panahon ng Biblia at ang mga misteryo mula sa kasaysayan ng Filipino, at sa huli, nag-aalok ito ng sagot sa kanilang lahat,” dagdag ni Dean. 

Kaya kung gusto ninyo ng naiibang horror movie, ito ang panoorin ninyo sa iWantTFC Original dahil hindi kayo bibiguin ng The Gatekeeper. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Showtime Eat Bulaga

It’s Showtime butata, ‘di nakaporma sa Eat Bulaga!

I-FLEXni Jun Nardo NATAMEME sa Eat Bulaga ang It’s Showtime sa episode last Saturday, huh! Remote ang Bulaga sa isang barangay …

Denise Esteban

Denise Esteban, sanay na sa mga indecent proposal

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Denise Esteban sa pambatong sexy actress sa mga …

Vivamax VMX 12M Subs

12 million subscribers, mega milestone ng VMX 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio HATAW to the max ang VMX, na sa ngayon ay …

Lovi Poe Marian Rivera Balota Guilty Pleasure

Lovi, Marian bakbakan sa takilya, sino kaya ang wagi?

I-FLEXni Jun Nardo KANINONG pelikula kaya ang panalo sa takilya, kay Marian Rivera o kay Lovi Poe? Sabay …

GMA7 TV5 TikToclock Quizmosa

Show ng TV5 at GMA pareho ng mga pakulo 

I-FLEXni Jun Nardo PAREHO ang title ng bagong pakulo ng TikToclock show at talk show ni Ogie Diaz sa TV5, …