MATABIL
ni John Fontanilla
NAKADEDESMAYA na ang mga Pinoy film na ipinalalabas sa mga sinehan na kasabay ng mga foreign film nilalangaw sa mga sinehan at flop to the max.
Nanood kami ng pelikulang mula sa isang malaking kompanya at sad to say iilan lang kami sa sinehan. Ganoon din ang sinapit ng ibang pelikula na produce ng mga independent producer kaya naman imbes na makapag-produce pa ulit ay good for one movie na lang.
Kumikita lang halos ang mga film producer kapag sumasapit ang Metro Manila Film Festival, na nakababawi ang mga pelikulang napili na maging entry.
Kaya naman marami ang umaasa at nagdarasal na sana sumigla muli ang mundo ng pelikula at bumalik na ang mga tao sa sinehan.