HINDI kataka-takang malapit sa puso ni Sen. Lito Lapid ang mga Bikolano. Ang dahilan? Inalagaan at pinalaki pala siya ng isang Bikolano, ang kanyang step dad.
Sa mensahe ni Sen. Lito sa AKAP payout sa Iriga City noong October 16, kinilala ng senador ang kanyang step dad na si Alberto Vargas na tindero ng balut at pandesal noon.
Sa pagbabahagi ni Sen Lito, sinabi nitong nagkakilala ang kanyang nanay at step dad sa isang bakery sa Pampanga. Iyon ang nakilala niyang ama makaraang mamatay ang tunay niyang tatay na si Jose Lapid nang siya ay dalawang taon gulang pa lamang.
Itinuring silang tunay na mga anak ni tatay Alberto kaya hindi niya makalilimutan ang pag-aaruga at pagmamahal niyon sa kanila.
Kinilalang “adopted son” si Sen Lito ng Iriga City matapos magpasa ng isang resolusyon na kumikilala sa mga naiambag at naibigay na tulong nito sa mga Irigueño.
Kaya todo pasalamat si Sen Lapid kay Mayor Rex Oliva at City Council sa kanilang inisyatiba at pag-adopt sa kanya bilang anak ng Iriga. (MValdez)