Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Loudette Bautista Bong Revilla Jr Lani Mercado

Anak nina Bong at Lani ganap nang doktora!

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IBA talaga ang pakiramdam kapag may achievement ang anak. Kaya naman relate na relate ako sa pagiging masaya ng mag-asawang Senador Ramon Bong Revilla, Jr. at Congresswoman Lani Mercado-Revilla.

Ngiting-tagumpay ‘ika nga ang power couple sa pagpasa ng kanilang anak na si  Loudette Bautista dahil isa na itong ganap na doktora. Pumasa si Loudette sa katatapos na 2024 Physician Licensure Examination o ang Board Exams para sa mga doktor.

Kaya naman super-proud at super-saya ang parents ni Dra. Loudette na kahit hatinggabi na lumabas ang resulta, agad itong ibinahagi ni Sen. Bong sa kanyang Facebook Live. Eh kahit naman siguro sino ganyan din ang gagawin. Kaya naman maraming mga kaibigan at taga-suporta nina Bong at Lani ang masaya rin sa tagumpay ng kanilang anak. 

Nagtapos ng pre-med si Dra. Loudette sa Ateneo de Manila University at ng medisina sa University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center (UERMMMC). 

Pinatunayan ni Dra Laoudette na kaya niyang abutin ang pangarap, hindi lang para sa sarili kundi para sa pamilya at sa mga taong kanyang paglilingkuran bilang doktor.

“Congratulations sa aming Dra. Loudette for passing the 2024 Physician Licensure Board Exams! Certified Doktora ka na, anak! 

You brought pride, joy, and honor to the whole family! Salamat sa pagtupad ng pangarap ni Daddy na magkaroon ng doktor sa pamilya. Thank you God talaga!” super proud na post ni Bong sa kanyang socmed.

Isang malaking karangalan at saya ang dulot ni Dra. Loudette sa pamilya Revilla, lalo na’t siya ang kauna-unahang doktor sa pamilya.

Kahanga-hanga ang mga anak nina Bong at Lani dahil last year, pumasa sa bar exams ang anak naman nilang si Atty. Inah Bautista-Del Rosario, kaya walang pagsidlan ng kasiyahan ang pamilya Revilla dahil hindi lang abogado kundi mayroon na rin silang doktor. Kompleto na ha!

Sa tagumpay nina Sen Bong at Cong Lani gayundin kay Dra. Loudette Bautista, pagbati namin sa inyo. Tiyak na maraming Pinoy ang matutulungan mo!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …