Friday , January 31 2025
Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Sa instigasyon ni dating PNP chief, Sen. Bato  
SENATE PROBE SA DUTERTE DRUG WAR PINAGDUDAHAN

DUDA si Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante, Jr., co-chairman ng Quad Committee ng Kamara de Representantes na magiging patas si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa isasagawa nitong imbestigasyon sa madugong war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Naniniwala si Abante, chairman ng House Committee on Human Rights, na makokompormiso ang integridad ng imbestigasyon dahil kilalang malapit si Dela Rosa kay Duterte.

“I would think that he (Dela Rosa) would be more biased than actually balanced in that hearing,” ani Abante sa isang press conference sa Kamara de Representantes nitong Miyerkoles.

Si Dela Rosa ang hepe ng Philippine National Police (PNP) nang ipatupad ni Duterte ang madugong war on drugs na libo-libo ang biktima ng extrajudicial killings (EJK).

Hindi si Dela Rosa ang most senior official ng PNP nang italaga ni Duterte bilang hepe ng pambansang pulisya.

Naunang sinabi ni Dela Rosa na magsasagawa ng sariling imbestigasyon ang Senado sa war on drugs at iimbitahan si Duterte.

Sa kabila ng kanyang pagkakasangkot sa implementasyon ng war on drugs, sinabi ni Abante na isang welcome development ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng Senado dahil makatutulong ito sa imbestigasyong isinasagawa ng Quad Comm.

“In fact, sabi ng Bible, two is better than one. E ‘di partner na kami ng Senado when it comes to investigation,” sabi ni Abante.

Ani Abante, si Duterte ang magdedesisyon kung pupunta sa pagdinig o hindi.

“It’s up to him actually… Hopefully, he will come and say what he would like to say,” dagdag ng mambabatas.

Nakapagsagawa na ng walong pagdinig ang Quad Comm at lumutang ang pangalan ni Duterte sa pagbibigay ng reward para sa mga pulis na nakapatay ng drug suspect.

Ang nagsiwalat nito ay si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager at retired PNP colonel Royina Garma na kilalang malapit kay Duterte at umamin na inutusan ng dating Pangulo na maghanap ng mamumuno sa implementasyon ng Davao model war on drugs sa buong bansa.

Kung hindi man dumalo si Duterte sa pagdinig ng Kamara, sinabi ni Abante na kanilang babantayan ang pagdinig ng Senado.

“Whatever he will say, babantayan namin nang maigi ‘yan,” sabi ni Abante.

Iniimbestigahan ng Quad Comm ang kaugnayan ng ilegal na Philippine offshore gaming operators (POGOs), sa kalakalan ng ilegal na droga, at extrajudicial killings sa pagpapatupad ng Duterte war on drugs. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Jimmy Bondoc

Jimmy Bondoc sa senado at hindi sa partylist tatakbo

RATED Rni Rommel Gonzales ISA sa mga taga-showbiz na susubok sa politika ay ang male …

Yilmaz Bektas Ruffa Gutierrez Venice Lorin

Yilmaz tinawag na boss si Ruffa, pinuri ring elegante

MA at PAni Rommel Placente MARAMI na namang netizens ang kinilig matapos makita ang palitan …

AGAP Partylist

Presyo ng bigas, atbp salot sa ekonomiya pinatututukan sa Palasyo

NANAWAGAN ang mga magsasaka partikular ang grupo ng AGAP Partylist kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, …

Casino Plus Creates 44 Multi-Millionaires in Two Months, Redefining Gaming Leadership

Casino Plus Creates 44 Multi-Millionaires in Two Months, Redefining Gaming Leadership

Casino Plus has achieved another groundbreaking milestone, concluding its “33 Multi-Millionaires” campaign with a spectacular …

DigiPlus BingoPlus Foundation Pusta de Peligro

Kim Chiu at Maine Mendoza kaisa ng DigiPlus at BingoPlus sa Pusta de Peligro Campaign

ni Allan Sancon INILUNSAD kamakailan ng DigiPlus at BingoPlus Foundation ang kanilang Pusta de Peligro short films bilang kampanya  at  panawagan sa pagiging …