Wednesday , March 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dumbbell blood

Hinampas sa ulo ng dumbbell
OFW UTAS SA ‘BULONG’ NA NARINIG NI MISIS

KAMATAYAN hindi pagmamahal ang napala ng isang 62-anyos engineer at dating overseas Filipino worker (OFW) nang magpasya siyang umuwi sa Filipinas para alagaan ang misis na dumaranas ng sakit sa pag-iisip, sa bayan ng Zarraga, lalawigan ng Iloilo.

Trahedya ang sinapit ng biktimang kinilalang si Eduardo, nang hampasin ng 10-kilo dumbbell ng kanyang misis. Wala nang buhay na naliligo sa sariling dugo sa ibaba ng sofa, nang matagpuan ng pulisya sa kanilang tahanan  sa Brgy. Poblacion Ilaud, sa bayan ng Zarraga, nitong Linggo, 13 Oktubre.

Nabatid na dating OFW bilang enhinyero si Eduardo sa Saudi Arabi ngunit umuwi apat na buwan na ang nakalilipas upang alagaan ang kaniyang asawang si Mary, 59 anyos, na dumaranas ng sakit sa pag-iisip.

Ayon kay P/Capt. Dandy Ilalto, hepe ng Zarraga MPS, tumawag sa himpilan ng pulisya si Mary upang humingi ng tulong dahil napatay niya umano ang kaniyang asawa.

Inamin ni Mary sa mga awtoridad na hinampas niya ang kaniyang asawa sa ulo gamit ang isang dumbbell na may timbang na 10 kilo matapos niyang makarinig ng mga boses na nag-uutos sa kaniyang gawin iyon.

Ayon sa pamilya ng suspek, na-diagnose siyang may sakit sa kaniyang pag-iisip kaya mayroon siyang iniinom na gamot sa kasalukuyan.

Nabatid na 30 taon nang nagsasama ang mag-asawa ngunit hindi sila biniyayaan ng anak.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Zarraga MPS si Mary ngunit pinag-iisipan pa ng pamilya ng biktima kung magsasampa ng kaso laban sa kaniyang asawa. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

arrest, posas, fingerprints

2 magkasangga arestado sa kasong homicide; sumpak at bala nakumpiska

NAARESTO ng mga operatiba ng mga awtoridad ang dalawang lalaki matapos magsagawa ng operasyon para …

Katarungan Center Deed of Usufruct Laguna Sol Aragones

Katarungan Center natugunan sa Deed of Usufruct ng Laguna 

SA PAMAMAGITAN ng isang usufruct deed, ang lalawigan ng Laguna ay pormal na nakakuha ng …

Manila Hawkers

Fire Prevention Month sa Fire Extinguisher Distribution

BILANG bahagi ng paggunita sa Fire Prevention Month, personal na namahagi ng mga fire extinguisher …

Palawan ProtekTODO Fire 99

ProtekTODO Fire 99 inilunsad ng Palawan para sa pamilyang Pinoy

INILUNSAD ng Palawan ProtekTODO, ang microinsurance arm ng Palawan Group of Companies, sa pakikipagtambalan sa …

911 Emergency Call

Sa tawag sa E911: 
3 suspek sa pamamaril, dakip agad

BUNGA ng mabilisang pagresponde ng Quezon City Police District (QCPD) sa sumbong mula sa Emergency …