Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alex Gonzaga Mami Pinty Daddy Bonoy Chef Aybs Paragis

Alex, Mommy Pinty, Daddy Bonoy sampalataya sa Chef Ayb’s Paragis 

RATED R
ni Rommel Gonzales

MARAMING matinding benefit sa kalusugan ang Chef Ayb’s Paragis Tea and Capsule, kabilang na rito ang pagpapataas ng percentage na mabuntis ang isang babaeng matagal nang nagnanais maging ina. Tulad ni Alex Gonzaga na incidentally ay endorser ng Chef Ayb’s Paragis kasama ang mga magulang niyang sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy Gonzaga.

Natanong si Alex kung gaano kasampalataya sa Paragis products lalo pa nga at nakalulula at amazing ang mga pangakong health benefits nito?

“‘Yung claims po siyempre hindi po namin iyan talaga sinasabi, mayroon pa ring disclaimer na no approved therapeutic claims pero noong ipakilala sa amin, nakatulong.

“So the moment na tinry namin,  that’s why it took us at least seven months para roon po i-launch. Noong nakita namin ‘yung effectivity niya within sa aming family, and even sa aking friends and even the family of my husband.

“Even our friends from the States, hanggang nagyon nag-o-order pa rin doon lang po namin nasabi na, ‘Okay!’

“What we really want is for other people to have there alternative option na puwede po nating inumin na maaaring makatulong sa iyo, maaaring makatulong.

“Siyempre  kapag may sakit, kapag malubha na ‘yung sakit hopefully this Chef Ayb’s Paragis Capsule and Tea will help.

“Pero siyempre iba pa rin po ang konsulta ng doctor ‘di ba po?

“So, sa lahat naman po ng aming binibigyan like may mga kilala kaming may sakit, so ito po ay tulong lamang,” pagpapatotoo pa ni Alex. “And ‘pag po babalik sila hindi na po namin tinatanong, ‘Ano pong nangyari sa inyo?’

“Nagugulat na lang kami babalik sa amin nagpapasalamat  sa tsaang ibinigay namin, sa capsule na ibinigay namin without expecting anything.

“We just wanted to share… parang ‘pag may nalaman kang something na makatutulong sa ibang tao parang excited kang i-share.

“So hopefully iyon po ‘yung aming misyon talaga that’s why we launched and that’s why I even partnered with Chef Ayb because I really believe because so far wala pa namang po akong nariringgan ng negative side nito.

“Kumbaga roon nga lang sa ‘pag first time mo lalo na may mga toxin na lalabas so medyo may downtime siya ng kaunti pero at least alam mo na nailabas mo lahat ‘yung mga toxin.

“So lahat po ‘yung amin is personal experience and ‘yung mga kuwento po, testimonials ng mga nabigyan namin.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …