Monday , October 14 2024
Alex Gonzaga Mami Pinty Daddy Bonoy Chef Aybs Paragis

Alex ‘di na mahihirapang magbuntis, miracle tea nadiskubre

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

DEADMA na sa mga basher at hindi na nagpapadala sa pressure si Alex Gonzaga ukol sa pagbubuntis. Kumbaga, hinihintay na lang nilang mag-asawa kung  ipagkakaloob na sa kanila ni Lord ang first baby nila.

Sa launching ng bagong endorsement nina Alex kasama sina Mami Pinty at Daddy Bonoy ng Chef Ayb’s Paragis, herbal tea iginiit ng misis ni Mikee Morada na ayaw na niyang pa-pressure.

Ngayon, hindi na (pressure), kasi last year, pressured talaga ako. Ang daming nagsabi sa akin, maganda ‘yung Year of the Dragon (para magka-baby), ‘di ba? Nagalit si Daddy, bakit daw ako naniniwala. Hindi raw kami Chinese. Kaya ako na-pressure, nagpa-IVF (in vitro fertilization) pa ako.

“But now, hindi ko na po pini-pressure, dati kasi pressured ako, wala rin. So, ang ate ko (Toni Gonzaga) ang nabuntis,” natatawang wika ni Alex.

Kaya naman hindi na rin siya nagpapa-apektado sa mga nang-ookray at nagnenega. Pero nilinaw nyang minsan ay hindi niya maiwasang hindi maapektuhan. 

Parang minsan, siyempre, talagang maaapektuhan ka, pero at the end of the day, kapag mayroon kang supportive family, may core group ka na talaga, even my friends, na talagang solid, hindi ka naman masyadong masu-sway,” giit pa ni Alex.

Natanong ang aktres kung anong intriga ang naapketuhan siya? At nasabi nitong, 

Kapag sinasabihan ka ng baog. ‘Di ba po, sa gender nagiging very sensitive na tayo ngayon, even sa body shaming.

“Pero bakit sa babae, kapag walang anak, parang very loosely ginagamit ‘yung nalaglag, baog. Parang dapat we really have to be sensitive about it. Kasi ako, kaya ko kasi okay naman ‘yung check ng doctor ko.

“Pero what if may mga tao na very sensitive talaga sa kanila ‘yung ganoong issue. May mga kakilala ako na they can’t even talk about it. Kapag tatanungin ko, kasi ako very casual ako magkuwento, ‘yung iba sensitive.

“So, naisip ko, dapat we have to be careful, na gamitin ‘yung mga word na ‘yun, very loosely, sa mga kababaihan kasi maraming inner struggles ang babae na hindi natin alam. Hindi lang for me,” pliwanag pa ni Alex.

Samantala, napakaganda naman ng naging epekto ng Chef Ayb’s Paragis kay Alex na may Moringa at Guyabano Tea flavor. Dahil kasi sa pag-inom-inom niya nito, lumaki ang chance na mabuntis siya at nabawasan ang risk na makunan.

I’ve tried IVF. And, before po ako ma-meet ng paragis, I’m doing LIT (Lymphocyte Immunization Therapy). Kung hindi n’yo po alam ‘yung LIT, it’s a blood transfusion for my…kasi nga po nakita na ‘yung aking immune system is masyadong mataas.

“My body doesn’t recognize pregnancy. So, that’s the way it goes. So, noong nagta-try po kami, hindi po umaangat masyado ‘yung aking blood levels, ‘yung aking immune…kasi hindi ko alam, ma-gets sa mga doktor, basta pumunta na lang ako roon.

“So, by drinking this paragis tea, siyempre hindi ko sinabi ‘yun sa doktor ko, pero nag-take po ako nito. So far, by God’s grace, my last test is positive na po ‘yung katawan ko.

“Kaya nga natawag ko itong miracle tea kasi anytime, pwede po tayong mabuntis. Kasi tiningnan niya ‘yung blood, pwede pala ‘yun, hindi ko po alam na parang oh, your body really can take pregnancy. So, right now, it’s positive, it’s 60% okay.

“So, by God’s grace, anytime na po, baka po mamaya pumunta na ako sa likod, nandiyan si Mikee. Rito pa natin magawa (venue ng presscon). Kung magkulong ako sa CR diyan, basta tuloy-tuloy ko lang daw ang pag-inom.

“Even si Mikee po kasi, it’s also good for the sperm. Ay, ito na tayo. It’s also good for the men’s swimmers, reproductive organs. So, actually, ang number one benefit talaga nitong Paragis is really for reproductive.

Pero, the moment na mabuntis ka, you have to stop. Kasi nga, siyempre it’s detoxifying baka ilabas n’ya. So, ‘yun lang ‘yun po, praise God,” pagbabahagi pa ni Alex.

Ibinahagi rin ni Alex na nagpaplano na rin sila ni Mikee na magkaroon ng church wedding. Magri-release rin siya ng ilang kanta ay magkakaroon ng pelikula very soon.

Bukod sa Paragis with Moringa and Guyabano, mayroon din si Chef Ayb na Gold (Elusine Indica) capsule. At ayon nga kina Alex, Mommy Pinty, at Daddy Bonoy, napakalaking tulong nito sa kanilang kalusugan.

Kaya naman para sa mga may problema sa pagbubuntis baka ang Chef Aybs Paragis na ang maging sagot gayundin sa mga hirap makatulog.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Maymay Entrata Donny Pangilinan Belle Mariano

DonBelle fans umalma sa pag-uugnay kina Donny at Maymay

MA at PAni Rommel Placente DAHIL sa madalas magkasama sa ASAP Natin To, at madalas pang magkasmaa …

Julie Anne San Jose Church 2

Julie Anne humingi ng sorry, GMA Sparkle inako ang responsibilidad

MA at PAni Rommel Placente ISA si Julie Anne San Jose sa nag-perform sa isang benefit concert …

Dustin Yu Lovi Poe Jameson Blake JM de Guzman

Dustin Yu nailang kay Lovi

I-FLEXni Jun Nardo ILANG noong una ang Regal Baby na si Dustin Yu kay Lovi Poe na kasama niya …

Celeste Cortesi Viva

Celeste nilayasan Sparkle lumipat sa VAA

I-FLEXni Jun Nardo ANG Viva Artist Agency (VAA) ang namamahala sa showbiz career ng beauty queen na …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Male star aasa sa tulong ni gay friend sa pagpasok sa politika

ni Ed de Leon KAYA pala nag-file ng COC ang isang male star ang akala niya ay …