Sunday , December 22 2024

Hustisya para sa mga biktima ng EJKs hangad ng QuadComm – Chair Barbers

NANGAKO ang Quad Committe ng Kamara de Representantes na tutulong sila para maigawad ang hustisya sa mga biktima ng extrajudicial killings (EJKs) at iba pang paglabag sa karapatang pantao noong nakaraang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ika-walong pagdinig  ng Quad Committee, sinabi Rep. Robert Ace Barbers ng Surigao del Norte nais ng komite na marinig ang hinaing ng mga naging biktima ng EJKs.

“Sa ating mga kababayan sa lahat ng dako ng daigdig, hindi po natutulog ang hustisya.  Gagawin po namin ang lahat ng aming makakaya upang magampanan ang aming tungkulin bilang mga mambabatas. Ipaglalaban namin ang lahat ng ating mga karapatan. Karapatang mabuhay nang tahimik, walang takot, malaya, at may dignidad,” ani Barbers, ang pangunahing chairman ng apat na komite ng Kamara na bumubuo ng Quad Comm.

“We will continue to hear your stories, seek out justice and truth, and fight for your rights, in the face of threats to suppress them.  Together we fight for dignity and honor. We can only craft protection if we know the truth. Those who violated our laws should be brought to justice,” aniya.

Ayon sa kongresista, bukas ang Quad Comm sa mga naging biktima ng madugong “drug war” ng dating Pangulong Duterte.

“Mga minamahal naming mga kababayan, ano man po ang hadlang na itatapon sa amin, mananatili kaming tapat sa inyo.  Makaaasa kayo na patuloy naming gagampanan ang aming tungkulin. Mananatiling bukas ang aming mga pintuan para sa inyo… dito sa House of the People,” dagdag ng kongresista.

Ang pagdinig ng Quad Comm kahapon ay dinaluhan ng mga biktima ng EJKs.

Ani Barbers, and mga dumalo sa pagdinig ay  “inspired by Quad Comm’s success in the Barayuga murder case” and “have decided to come forward to help us tell the nation and the world the evil they have experienced, so that just like in the Nuremberg trials of World War II atrocities, these horrible acts may not happen again, their perpetrators brought to justice, and laws may be amended, introduced and crafted to guarantee these ends.”

Aniya, ang mga saksi sa EJKs ay nasa Kamara upang ilahad ang mga “horrible experiences and retell their painful stories, this time around, without fear and with renewed hope that Quad Comm may be the instrument to find their closures and the justice that has eluded them for years.”

“Sa lahat po ng aming ginagawa, wala kaming gustong sirain at wakasan kundi ang pang-aabuso sa kapangyarihan, ang pagmamalabis, ang panloloko at pagsasamantala ng mga dayuhan, pagnanakaw sa kaban ng bayan, pananakot, at pagpatay nang walang katuwiran o pagsasaalang-alang sa karapatang pantao kapalit ng pangakong salapi, promosyon sa posisyon, o pagbabalik sa serbisyo,” aniya.

                “Ang mga pangakong ito at pabuya ang sumira ng mga institusyon, paninindigan, dangal, paniniwala sa Diyos, relihiyon, pagpapahalaga sa kapwa at sa halaga ng buhay, sa mga pamilya, at nagpatibay ng maling paniniwala ng mga sangkot sa karumal-dumal na krimeng ito na ang kanilang ginawa ay tama at ang kanilang pabuyang natanggap ay kanilang premyo sa pagsunod sa mga utos ng nakatataas,” paliwanag niya.

“Isang matinding kanser ng lipunan ang nangyari. Marami sa mga sangkot ay nagkamal ng limpak-limpak sa salapi na siya ngayon nilang ginagamit upang patuloy na takutin ang mga biktima, na para bagang walang katapusang kasamaan ang hanggang ngayon ay namamayani at naghahari sa ating bayan,” aniya. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …